Pauleen Luna, Tali at Vic Sotto
TULAD ng karamihan sa mga nanay, may mga issue rin ang TV host-actress na si Pauleen Luna tungkol sa online classes ngayon ng mga bata.
Aminado ang misis ni Bossing Vic Sotto na may mga advantage at disadvantage ang ipinatutupad na sistema ng edukasyon sa bansa dulot ng pandemya.
Naikuwento ni Poleng ang tungkol sa virtual class ng tatlong-gulang na anak nila ni Vic na si Tali sa isang episode ng “Bawal Judgmental” segment sa “Eat Bulaga”.
Ramdam na ramdam daw ni Pauleen ang pagtataka ng bagets kung bakit hindi pa rin siya pumapasok sa kanilang school at kung bakit hindi pa rin niya nakikita nang personal ang kanyang classmates.
“Parang feeling ko nararamdaman niya ‘yon kasi hindi na niya nakikita yung classmates niya. Tapos whenever minsan nagta-trial kami ng tutor kahit online lang, parang naintindihan na rin niya na ganito na muna.
“Pero minsan, ang nakakalungkot is kapag nakikita niya ang classmates niya at sasabihin niya, ‘Mommy, Vivian will visit me, right?’ Yung parang she’s longing for that face-to-face interaction, connection,” pahayag ng celebrity mom.
Dagdag pa ni Poleng, “Hindi lang naman yung nakikita natin sa curriculum ang mga natututunan ng mga bata sa eskwelahan, there’s so much more, kung paano yung sitwasyon at paano sila magre-react. They learn a lot from interaction. So, yung yung minsan natatakot ako na baka kulang.”
“Mas lalo na ako, na-experience ko talaga lahat. Yun yung minsan naiisip ko, ‘Naku, hindi na-experience ng anak ko na madapa sa putikan, magasgasan.
“Ang fear ko, kasi dahil mag-isa lang siya ngayon na lumalaki, na she will grow up na akala niya ang lahat ay in favor sa kanya. Alam mo ‘yon, kasi lahat kami nag-a-adjust for her. Parang di pa niya nae-experience na siya yung mag-a-adjust,” chika pa ng “Eat Bulaga” Dabarkads.
Dagdag pa niya, “Kaya there was this one time na nagpunta dito yung mga pamangkin niya, pero mga bata pa talaga, nag-rent kami ng inflatable slide.
“Sabi ko talaga sa Daddy niya, ‘Hayaan mo masaktan. Hayaan mong medyo masipa nang konti.’ Para maintindihan niya na it works this way – na minsan ang mga pangyayari in your favor, minsan hindi — we have to learn how to adjust,” aniya pa.
Kaya naman nagtutulungan daw sila ni Bossing para ma-develop pa rin ang social interaction skill ni Talo kahit nasa bahay lang siya habang may pandemic.
“For now, you really try to stretch it. Yung ideas mo talaga, kung ano yung pwede mo ipagawa sa kanya sa bahay we try our best. Minsan may mga time din na, ‘Ano na?’
“Malaking-malaki ang kaibahan para sa ating mga magulang. Kasi, tayo talaga ang gumagawa lahat. Noon, ibaba mo lang siya sa eskuwelahan, tapos susunduin mo na. Ito, we have to prepare everything for them tapos tutok na tutok ka. Tama si ma’am (ang teacher na napiling judge sa nasabing episode), e.
“Tama yung sinabi niya na iba kapag ikaw ang nagtuturo sa anak mo at iba kapag teacher. Nandun yung kasi may relationship kayo. Minsan di niya feel mag-aral, gustong maglaro. Siyempre, nandiyan minsan yung maikli ang pasensya natin.
“Marami talagang struggles and difficulties, una pa lang ‘yon. Meron pa diyan yung mga technical na, yung mga Google Classroom, ‘tapos yung internet connection.
“Ang isa pang mahirap ay kung natututunan ba talaga ng bata yung mga kailangan niyang matutunan,” sey pa ni Poleng.
Sa tanong kung nagdyo-join din si Bossing sa online classes ni Tali, “Hindi. Ang tingin kasi talaga ni Tali kay Vic is playmate talaga, 100 percent. Kahit na minsan…kasi, good cop-bad cop kami, ako yung bad cop, sa kanya talaga ang punta.
“Kumbaga, siya yung to the rescue. So, hindi talaga pwede mag-sit in si Daddy kasi maglalaro lang sila,” aniya pa.
Patuloy pa niyang kuwento tungkol kay Tali, “Sana naa-appreciate rin niya ang time na ‘to na we’re together, na nakakapag-bond kami. Kasi, gusto ko rin dumating yung time na ma-experience niya na matuto siya on her own.
“But, of course, I’m very thankful for this time. Sabi nga naming mag-asawa, kung hindi nagkaroon ng time na ‘to, siguro hindi rin ganito yung magiging bond namin.
“Of course, we have to make the best of what we have, we’re really trying, and sana paglaki niya, maalala niya ‘to lahat,” pahayag pa ni Pauleen.