SUNSHINE, CESAR papipiliin na ang mga anak kung sino sa kanila ang karapat-dapat maging magualang

Nakatsikahan namin sa cellphone si Sunshine Cruz at abut-abot ang pagpapasalamat niya sa mga magandang nasusulat dito sa kanya sa  BANDERA bossing Ervin dahil nababasa raw niya lahat.

Kinumusta namin ang kaso nila ng asawang si Cesar Montano tungkol sa kustodiya ng mga bata at nabanggit niyang wala pang pagbabago dahil hati pa rin sila ng araw ng aktor, “After two months ate Reggee, another hearing ulit at papipiliin ang mga bata kung kanino nila gustong mag-stay, kung sa akin o sa dad nila.

“At pag nakapili na sila, ‘yun na ang final decision pero as of now, hati kami ng araw, Thursday to Sunday sa akin at Monday to Wednesday, doon sila sa daddy nila,” kuwento ng aktres.

Samantala, nabanggit din ng nanay nina Ejay Falcon alyas Victor at Arjo Atayde alyas Rafael sa seryeng Dugong Buhay na hindi sila totally nagkikita at nag-uusap ng estrange husband niya dahil busy siya sa tapings ng dalawa niyang serye.

“Ito lang ang buhay ko ngayon ate Reggee, tapings at kapag araw ng mga anak ko, I’ll make sure na talagang bonding kami talaga,” say ng aktres.

Nabanggit din niya na okay na sila ng pinsan niyang si Sheryl Cruz at hindi naman daw siya damay sa gusot ng isa pang pinsan nilang si Geneva Cruz, “Sila lang naman ni ate Sheryl ‘yun, ako I’m okay sa lahat.

Siguro hindi lang sila nagkaintindihan ni Geneva, pero maaayo din ‘yun,” kuwento pa. Tulad ni Sunshine ay matagal na ring single si Sheryl at wala na raw balak mag-asawa ng Pinoy, “Oo, ayaw na niya, parang nadala na, mas gusto raw niya European in case mag-asawa siya ulit.”

Saka namin sinundot ng tanong si Sunshine kung ganu’n din ba ang gagawin niya pag napawalang bisa na ang kasal nila ni Buboy? “

Ay hindi ko alam, kasi sa totoo lang, happy ako sa mga anak ko at happy ako sa work ko now, so hindi ko naiisip, pero siguro hindi naman foreigner, parang ang hirap naman no’n,” natawang sagot sa amin sa kabilang linya.

( Photo credit to Google )

 

Read more...