Jaymee Joaquin lumalala ang cancer, nanawagan ng dasal at suporta

DUMAGSA ang suporta at panalangin para sa aktres na si Jaymee Joaquin nang isiniwalat nito ang tunay na estado ng kalusugan.

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi nito ang bagong update sa kaniyang sakit.

“Actually, I did my routine scan last week and we saw progression, unfortunately.

“I’m really really really tired of dealing with cancer already and sometimes I’m just feeling hopeless already. But I know that I’m not giving up until there are options out there and there are people coming my ways, always helping me,” lahad ng aktres.

Naniniwala pa rin daw ang aktres na may mabubuti pa ring mga tao at kung hindi daw dahil sa mga taong patuloy na tumutulong sa kaniya ay hindi nito makakaya ang pinagdaraanan.

“So I asked everyone to just keep me in your prayers that I hope I find the right ways to heal and to navigate through this,” panawagan niya.

Kuwento pa nito, sasangguni siya sa isa pang doktor sa Los Angeles para magpa-second opinion sa kaniyang kalagayan.

“I’m not gonna lie, it’s been a hard journey. I have really really bad days. Sometimes, I just want to quit but I know that I can’t because life is too beautiful to not experience,” amin nito.

Hindi na dinetalye pa ng aktres kung ano ang nakitang progression sa kaniyang sakit ngunit hindi daw talaga maganda ito at kung hindi niya ito maaagapan ay maaari pa itong lumala.

“I’m gonna keep winning. I’m gonna do everything in my power to keep winning but I cannot do this alone. I really need your support in any way possible so be there.

“I hope you support my journey in celebrating the little wins I experience day by day as I deal with a Stage 4 Metastatic breast cancer,” dagdag pa nito.

Nais pa raw niyang mabuhay nang mas matagal kaya hindi ito susuko at sana raw ay mapagbigyan siya ng pagkakataon na magawa ito.

Maaari rin makatulong sa dalaga sa pamamagitan ng pagbili ng kaniyang libro na “That Sh*t Called Cancer” na mabibili sa Amazon at Shopee.

Read more...