Arminda ng Barangay II, Tangub City
Problema:
1. Mag-aanim na buwan na kami ng boyfriend ko. Pero, imbes na masaya ang aming relasyon, hindi ganito ang nangyayari. Dapat sana, kapag patagal nang patagal ay lalong nananabik sa isa’t isa. Parang walang nangyayari sa aming dalawa. Kasi subsob raw siya sa trabaho.
2. Nangako siya noon na dadalawin ako sa bahay kahit minsan sa dalawang linggo, Pero, kahit isang buwan ay di siya sumisipot. May kutob ako na niloloko lang niya ako. Gayunpaman, itatanong ko lang kung compatible kaya kami ng lalaking ito?
Umaasa,
Arminda ng Barangay II, Tangub City
Solusyon/Analysis:
A
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ay nagsasabing kung malaki ang katawan ng BF mo ngayon at maskulado, hindi siya ang makakatuluyan mo at magpapaligaya sa iyo. Sa halip isang payat o balingkinitang pangangatawan na medyo matangkad ang lalaking magpapaligaya sa iyo at makakasama mo habang buhay.
Numerology:
Ang birthday date mong 16 ay nagsasabing sa taong ito ng 2013 sa buwan ng Oktubre, sa larangan ng pag-ibig, tiyak ang magaganap – susuwertehin ka na sa pakikipag-relasyon, hatid ng isang lalaking may birth date na 2, 11, 20 o kaya’y 29.
Luscher Color Test:
Upang makamit ang kumpletong saya at ligaya sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon lagi kang gumamit ng kulay na berde at pula. Sa nasabing kulay tulad ng nasabi na, tuloy-tuloy na ang isang maligaya at pang habang buhay na pakikipag-relasyon.
Huling payo at paalala:
Arminda ayon sa iyong kapalaran, tama lang na kalimutan mo na at makipag-break ka na sa kasalukuyan mong boyfriend na walang oras sa relasyon ninyo, dahil kapag pinagtagal mo pa yan, lalo ka lang masasaktan at aasa sa wala. Sigurado na ang magaganap, matapos mong makipag-break sa nasabing lalaki, sa taon ding ito ng 2013, sa buwan ng Oktubre, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo ang darating – siya ang ikalawang magiging boyfriend mo, na magbibigay sayo ng maraming time, hanggang sa tuluyang mabuo ang isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.
Niloloko ako? (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...