Regine: Sinabihan akong hindi sisikat kasi pangit…talaga ba? Let’s see!

Regine Velasquez

MATINDI rin ang natanggap na pambu-bully ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez noong nagsisimula pa lamang siya sa mundo ng showbiz.

Hindi pa uso ang pamba-bash sa social media nang matikman ng OPM icon ang kaliwa’t kanang panglalait at pang-aalipusta nang pasukin niya ang entertainment industry.

Tandang-tanda pa ni Regine kung paano siyang sabihan ng masasakit na salita noon kabilang na ang komento ng marami na hindi raw siya sisikat dahil hindi naman siya maganda.

“Yun yung laging comment sa akin, ‘Hindi masyadong kagandahan. Baka hindi siya sumikat. Maputi lang.’ 

“I was told to my face, ‘Baka hindi sumikat kasi hindi ka masyadong maganda. Siguro dapat mag-ayos ka pa,’” ang pahayag ni Regine sa vlog ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez.

Patuoy pang pahayag ng misis ni Ogie Alcasid, “I’ve always heard that since I was a little girl. I’ve always thought I was not pretty because I was told I was ugly. 

“But that didn’t make me insecure for some reason. I accepted that fact kasi sila ‘yung tumitingin, eh. But in my head, ‘Wait till you hear me sing!’” chika pa ng Songbird.

In fairness, sa kabila ng natanggap na panglalait, hindi nawalan ng pag-asa ang singer-actress at TV host na abutin ang kanyang mga pangarap.

“Hindi ako naging insecure kasi my father would always have his way of making me feel confident about myself. 

“As a matter of fact, naging challenge for me. Sinabihan akong hindi sisikat kasi pangit. Talaga ba? Let’s see. Gagalingan ko pa,” sey pa ni Regine. 

Isa raw sa mga nagpapalakas ng loob niya kapag nakakaramdam siya ng anxiety o takot kapag may mga proyekto siyang ginagawa ay ang very supportive niyang mister na si Ogie.

Aniya, palaging ipinaaalala sa kanya ng singer-songwriter na huwag magpapatalo sa takot at kahit anong mangyari ay palaging tumupad sa mga tinanguang commitments.

“Words iyan ng asawa ko, you have to show up kahit ano pang nangyari sa ‘yo, kahit anong mood meron ka, depressed ka, when you have a schedule, you show up. That’s all I did, I kept showing up, may boses o wala, may sakit, malapit na mamatay, I’d show up.

“Alam mo ‘yung kasabihan sa industry na the show must go on, I guess they say that because your audience don’t care what you’re going through personally. 

“They don’t have to know, they don’t care. They are there to be entertained because they probably have their own thing. They are probably going through some heavy stuff too like you. Lahat naman tayo we go through it. 

“Sa thinking ko, if I don’t show up, hindi mo nagawa ‘yung what you’re supposed to do. You’re getting paid to do that. Or kahit na walang bayad, actually mas mahirap nga hindi mag-show up sa walang bayad kasi nakakahiya yun, eh,” dire-diretso pang paliwanag ni Regine.

Read more...