Julie Anne maraming aaminin sa musical trilogy: I’m sharing a piece of my heart

Julie Anne San Jose

“FOR me, this is more than just an online show. That’s why it’s very special to me and to everyone behind the project.” 

Ito ang naging pahayag ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose tungkol sa kanyang upcoming digital concert na “Limitless, A Musical Trilogy” mula sa GMA Synergy. 

Ilang araw na nga lang ay mapapanood na ng Kapuso fans ang first part ng kanyang trilogy na may pamagat na “Breathe” at excited na si Julie Anne na ma-experience nila ang naranasan niya sa journey na ito.

“Gusto naming ma-experience ng mga manonood ang journey na ito kasi lahat tayo ay nakaka-experience ng limitations to do the things that we love doing. 

“I’m excited kasi I will be sharing with you my musical journey, ang mga song na naging special sa akin, kung paano ako nag-start, kung bakit ako nagsusulat ng songs. 

“It’s something very personal to me kasi I’m sharing a piece of my heart and I don’t think I’ve been this vulnerable and open to people through a show,” lahad pa ng Kapuso singer-actress at TV host.
“It’s new to me kasi lagi akong nakikita sa work and shows. And for the first time, makikita n’yo ako as me,” pagbabahagi pa ng dalaga sa nakaraang virtual press conference ng nasabing concert.

May i-announce rin kaya ang aktres tungkol sa estado ng kanyang lovelife ngayon? Yan ang dapat abangan ng lahat ng kanyang fans.

Kaya naman if you still haven’t gotten your tickets for Julie Anne San Jose’s “Limitless, A Musical Journey,” bili na via www.gmanetwork.com/synergy

* * *

May panibago na namang good news ang Kapuso Network. Bukod sa tuluy-tuloy hanggang Oct. 27 ang promo price ng GMA Now, may bago na naman itong feature na siguradong lalong makakapagpa-enjoy sa panonood anytime and anywhere.

Gamit ang GMA Now dongle na nakaplug-in sa android smartphone, pwede na ring mag-record ng eksena mula sa paborito ninyong Kapuso program. 

Pindutin lang ang record button sa GMA Now mobile app at maaari nang ma-save sa phone ang video recording na ito. Siguraduhin lang na may extra pang 100MB na space sa phone memory.  

Small but terrible nga naman talaga ang mobile digital TV receiver ng GMA, huh! Mas pinaabot-kaya na ang halaga, parami pa nang parami ang features nito kaya bili na at start recording na.

Read more...