Timothy Tan at Sunshine Dizon
PABOR na pabor ang bagong Kapamilya actress na si Sunshine Dizon na magkaroon ng divorce dito sa Pilipinas.
Mapapanood na si Shine sa kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN na “Marry Me, Marry You” kung saan gaganap siyang single mother matapos makipaghiwalay sa kanyang mister.
Sa nakaraang virtual mediacon ng programa ay natanong ang aktres kung ano ang stand niya sa usaping divorce bilang sa tunay na buhay ay hiwalay din siya sa kanyang non-showbiz husband na si Timothy Tan. Meron silang dalawang anak.
“Napakaplastik ko naman kung sasabihin kong marriage is forever kasi hindi naman totoo. Ha-hahaha! For me, I’m speaking for myself ‘no.
“Gusto ko yung divorce kasi it’s normal for people to fall out of love. That is part of life so bakit natin hindi bibigyan ng pagkakataon yung mga tao na gusto mag start anew?
“Kailangan ba talagang meron psychological reason or something drastic na dahilan para lang maghiwalay yung dalawang tao? Minsan talagang hindi na talaga sila para sa isa’t isa,” paliwanag ni Sunshine.
Dagdag pa niya, “So, I hope the laws will push through regarding divorce here in the Philippines so that magkaroon naman ng freedom naman yung mga tao para magmahal ulit, magsimula ulit. So that’s my take on it.”
Samantala, super excited na ang aktres sa pagpapalabas ng first teleserye as a Kapamilya, ang “Marry Me, Marry” ngayong buwan.
“Actually, wala naman akong hiniling. When direk Deo (Edrinal) spoke with my manager parang I felt that it was a breather and it was very refreshing to do something different naman coming from years of doing heavy, heavy drama.
“Parang na-excite ako na iba naman for a change and hindi pa masyado nakikita ng mga tao itong side ko. So I’m just very thankful that it was offered to me,” kuwento ng dating Kapuso.
Isa si Sunshine sa gaganap na ninang at nanay-nanayan ni Janine Gutierrez sa kuwento na makakatambal naman ni Paulo Avelino. Makakasama niya rito bilang kabarkada sina Cherry Pie Picache, Vina Morales at Lotlot de Leon.
“We’ve really bonded well. Parang months pa lang pero parang ang tagal-tagal na naming lahat na magkakakilala.
“Siguro what I have learned from the younger ones is siguro to let loose and not be too serious, to not be so stiff and just have fun. Parang yun yung nakuha ko sa kanila.
“It’s just so nice to see yung combined effort not only from the actors but also from the whole staff, from the whole team.
“Nakita mo kasi na minahal namin yung ginagawa namin and it shows onscreen so congratulations and thank you everyone for all your effort,” aniya pa.