Chiz sa pagtatambal uli nina Heart at Jericho: It’s up to you, hindi naman ako selosong tao…

Heart Evangelista, Chiz Escudero at Jericho Rosales

PAYAG ba si Sorsogon Gov. Chiz Escudero na makatambal uli ng kanyang asawang si Heart Evangelista ang ex-boyfriend nitong si Jericho Rosales?

Alam naman ng lahat na si Echo ang itinuturing na “great love” noon ng Kapuso actress at palagi nitong sinasabi na napakarami niyang natutunan sa relasyon nila ng award-winning actor.

Muling naungkat ang tungkol sa kanila ni Jericho nang makipagchikahan sila ni Chiz kay Karen Davila kamakailan.

Natanong kasi si Chiz kung papayag ba siya na makatrabaho muli ng kanyang misis ang ex-boyfriend nito sa telebisyon o pelikula. Sey ng gobernador kay Heart, “Pinag-usapan na ba natin ‘yan?”

Tugon naman ni Heart sa asawa, “Many times, yeah.” Hirit ni Chiz, “Anong sabi ko?” Na sinagot ni Heart ng, “It’s up to you.”

Biro ni Karen kay Chiz, baka raw pumayag nga ito pero hindi na niya kakausapin si Heart. Sey sa kanya ng aktres, “No naman.”

Sumingit ang public official at sinabing sincere siya sa pagsasabing okay lang sa kanya sakaling magtambal ulit sina Heart at Jericho.

“It’s up to you. If it will make her grow. Again, hindi ako selosong tao,” paliwanag ni Chiz. Na sinang-ayunan naman ng aktres, “NR (no reaction) siya. Sobrang NR. Lately, sensitive lang with time.”

“It has nothing to do with my level of confidence. It’s more your or my level of feeling secure, which to large extent she gave me,” sagot uli ni Chiz.

Kung matatandaan, nagsimula ang love story nina Heart at Jericho nang maging magka-loveteam sila  sa TV remake ng “Ang Panday” na napanood sa ABS-CBN mula November, 2005 hanggang May 2006.

Naging magkarelasyon sila habang ginagawa ang nasabing teleserye ngunit naghiwalay din noong 2008. Inamin ni Heart na naging masalimuot ang relasyon nila ni Jericho dahil hindi raw boto sa aktor ang kanyang nanay.

Taong 2017 nang muling magkita sina Heart at Jericho sa isang event. Kasama pa that time ng aktor ang asawa niyang si Kim Jones. Nag-viral pa nga ang photo ng dalawa habang nag-uusap.

Sa isang panayam sinabi ni Jericho na yun ang unang pagkakataon na nagkita sila ng Kapuso actress makalipas ang mahabang panahon, “Heart and I handled it like mature people. Tapos na yung episode ng buhay namin na yun.

“We’re both married. And we feel like magaan ang mundo. Makakagalaw tayo nang maayos na walang nanghuhusga at kung anu-ano, di ba? We’re all friends. And it’s a new chapter,” paliwanag ni Jericho.

Read more...