Tambalang Kathryn-Daniel 10 years na, may pa-surprise sa KathNiel fans: The best cheerleaders!

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

MULING pinatunayan ng tinaguriang King & Queen of Hearts  na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang solid na pagmamahal nila sa kanilang loyal fans.

Talagang kinarir at nag-effort ang reel and real life lovers para iparamdam sa milyun-milyong KathNiel supporters ang kanilang abot-langit na pasasalamat.

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ni Kathryn ang mensahe nila ni Daniel bilang bahagi ng selebrasyon ng kanilang 10th anniversary bilang magka-loveteam. 

Ipinost ng award-winning actress sa Instagram ang litrato nila ni Daniel na magkayakap habang nasa dalampasigan. Narito ang inilagay niyang caption:

“Kath•Niel /noun/ /people/

“• 10 years of existence

“• Stands up for each other

“• Protects each other at all costs

“• The best cheerleaders

“• Capable of giving so much love

“• Inspires one another to be better people

“• United

“• A fandom that has eventually turned into a family

“• A fandom that I’m proud to be part of.”

Dagdag pang mensahe ni Kath sa kanilang mga tagasuporta, “Happy 10th anniversary to us, kathniels! Maraming Salamat sa inyong lahat.”

Bumuhos naman ang pagbati sa socmed para sa celebrity couple kabilang na ang ilan sa kanilang mga celebrity friends.

“Happy Anniversary!!!! Grabe yung 10 years!!!! Wooow,” mensahe ni Loisa Andalio.

“Sweetest couple ever! Happy Anniversary Lovebirds,” sabi naman ni Ruffa Gutierrez.

Kamakailan, nangako ang Kapamilya couple sa KathNiel fans na may inihahanda silang surprise para sa kanang 10th anniversary.

“Konting hintay na lang kasi meron kaming hinahandang surprise para sa inyo so ipo-post namin siya by September… Papagandahin namin siya para sa inyo,” ani Kathryn nang mag-Facebook Live sila ni Daniel.

Unang nagtambal sina Kath at DJ sa youth-oriented series ng ABS-CBN na “Growing Up”. Mula noon, nagsunud-sunod na ang kanilang teleserye kabilang na ang “Princess and I,” “Got To Believe”, “Pangako Sa ‘Yo,” at “La Luna Sangre.”

Puro blockbuster din ang kanilang mga pelikula tulad ng “The Hows of Us,” “Barcelona: A Love Untold”, at “She’s Dating the Gangster.”

Read more...