Kim kay Kris: I miss you so much, please know that I’m always here for you…

Kim Chiu at Kris Aquino

PINADALHAN ni Kris Aquino ng isang bouquet of fresh flowers si Kim Chiu na matalik niyang kaibigan.

Naramdaman ni Kris na merong tila mabigat na dinadala ang host ng “It’s Showtime” kaya naman para maibsan ang dinaramdam nito ay pinadalhan niya ito ng fresh na bulaklak.

Na-appreciate naman ni Kim ang gift ni Kris at ibinahagi niya ito sa kanyang mga followers sa Instagram.

“Distance is temporary but our love is permanent (three heart emojis).

“Got these pretty flowers from ate @krisaquino. Thank you ate, love the all pink roses with pink face masks, very useful.

“I miss you soo much, please know that I am always here for you, praying for your health and will always be your panganay. Hope when everything will be okay na, more bonding na tayo and more fun. Love you ate.

“Yes nag exchange gift nga tayo. Hehe stay healthy and happy ate”.

‘Yan ang caption ni Kim sa kanyang IG photo.
Until now ay nananatiling best of friends sina Kris at Kim.

* * *

Bongga ang pagkapanalo ng dance group na G-Force sa patok na interactive game segment na “Madlang Pi-Poll” ng “It’s Showtime” noong Huwebes dahil sila ang kauna-unahang studio players na nakakuha ng tamang sagot sa lahat ng rounds.

Nagwagi ng P105,000 jackpot prize na may karagdagang P45,000 na papremyo sina Jorge Marvin, Myka Gonzaga, at John Michael dahil nahulaan nila nang tama ang lahat ng sagot ng home viewers.

Sa final question na “Paano mo malalaman ‘pag nanlalamig na siya sa relasyon?” pinili ng tatlong dancers ang sagot na “Wala nang oras” mula sa anim na mapagpipilian. Tumugma naman ito sa sagot ng karamihan ng home viewers (33%).

Kahit naman nakuha ng G-Force ang cash prize, panalo pa rin ang home viewers dahil tatlo sa kanila ang nagwagi ng ABS-CBN merchandise bilang consolation prize.

Mas dumarami ang nakikilaro sa hit segment mula sa buong bansa pagkatapos itong magtala ng all-time high na 84,272 active players noong Agosto 27.

Sa “Madlang Pi-Poll,” naglalabanan ang studio players at home viewers sa loob ng pitong round na may katumbas na cash prize. Kapag nahulaan nang tama ng studio players ang sagot ng karamihan ng home viewers, sa pot money nila mapupunta ang premyo. Kung hindi naman, madadagdagan ang pot money ng home viewers.

Iparinig ang boses at manalo ng papremyo sa pagsagot ng “Madlang Pi-Poll” tuwing tanghali mula Lunes hanggang Sabado sa “It’s Showtime” sa A2Z channel sa digital at free TV.

Read more...