Yam Concepcion at Gerald Anderson
NANAWAGAN ang Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson para sa lahat ng bayaning health workers at frontliners na patuloy na nagbubuwis ng buhay sa paglaban kontra-COVID-19.
Sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye nilang “Init Sa Magdamag” sa ABS-CBN kasama sina Yam Concepcion at JM de Guzman, naibahagi ni Gerald ang ilang natutunan at realizations niya bilang si Tupe, na naging isang magaling na doktor nga sa kuwento.
“More than anything, sobrang grateful ako kasi alam ko yung pinagdaanan namin para magawa namin itong show na ‘to.
“And parang kung makuha namin lahat ng magandang comments, puri, quality ng show, sobrang fulfilling siya dahil alam ko yung sitwasyon kung saan kami nag-taping.
“Anong klase yung sistema ng taping namin and parang kumbaga yung pagod, yung pawis na binuhos namin sa shoot sobrang fulfilling so we’re just happy na naging ganito yung outcome,” simulang pahayag ng binata.
At bilang gumaganap nga siyang doktor sa serye sa loob ng limang buwan, mas naunawaan at mas bumilib pa siya sa mga medical health worker lalo na ngayong may pandemya.
“Masarap gampanan si Doc Tupe. Alam mo siyempre kahit hindi naman totoo yung mga eksena at ginagamot ko yung mga pasyente, tumutulong ako sa community.
“Kaya siguro ganu’n din yung naging itsura ni Doc Tupe na parang may fulfillment kasi fulfilling siya talaga, eh.
“Pagkabigay ko ng gamot sa mga tao parang siyang totoong buhay kaya talagang I can only imagine yung mga frontliners natin ngayon sa ospital, yung mga nagbabantay sa checkpoints, how fulfilling kapag yung sa ospital yung pasyente nag-recover at gumaling. Parang iba siguro yung pakiramdam na yun,” dire-diretsong chika pa ni Gerald.
Kasabay nga ng kontrobersyal na pagpoprotesta ng mga health workers ngayon, nagpahayag ng kanyang sentimyento si Gerald para sa kapakanan ng itinuturing na mga bagong bayani.
“I think ito talaga yung time na dapat alagaan sila, ibigay sa kanila kung ano yung dapat at kung ano yung kailangan nila because mentally and physically sobrang hirap ng sitwasyon nila.
“Non-stop, eh. Mataas yung cases natin, napupuno yung mga ospital. Kung kaming mga artista napapagod din kami sa taping namin pero sa gabi nakakauwi kami sa kuwarto namin, nakaka-shower kami after ng taping, nuod kami ng TV, matutulog di ba?
“Itong mga ito, hindi ganun yung sitwasyon nila. So let’s be more respectful and sana kung ano man yun hinihingi ng medical workers natin sana maibigay. Kasi talagang deserve na deserve.
“Ginanap ko lang yung pagtulong bilang Doc Tupe, sobrang nakaka-fulfill na yan. What more kung totoong doctor yun or nurse. More than anything, I think yung mga nurse sila talaga yung mga sundalo natin ngayon so sana ay alagaan natin sila,” sabi pa ng dyowa ni Julia Barretto.
Sa tanong kung ano ang pinakamahalagang aral na natutunan niya bilang Doc Tupe sa “Init Sa Magdamag”, “It’s something na meron kami ni Tupe is despite yung mga hinaharap na challenges, lagi naman you have to stay positive.
“So, kaya siguro isa rin yun sa sobrang nakaka-relate ako sa character ko na yun. Nothing really changed. It just made me realize more na huwag mo kalimutan yung core mo kung sino ka, kung ano yung pagkatao mo and just always stay positive,” lahad pa ni Gerald.