Pagtsugi kay Kim bilang host sa ‘It’s Showtime’, walang katotohanan

PAG-USAPAN sa Madlang Pi-POLL segment ng “It’s Showtime” ang fake news kung saan tila relate ang karamihan sa mga hosts dahil minsan na silang naging biktima nito.

Ayon kay Vhong, may kumulat noon na parte ng siya ng grupo na kumikita sa bitcoin.

Kay Vice naman ay nangyari kamakailan lang na may tweet raw ito nang nag-ober da bakod ang kaibigang si Bea Alonzo ngunit wala namang nailabas na resibo.

Dagdag pa nito, minsan rin daw napabalita na patay na siya habang nasa HongKong siya. Tumawag pa raw si Vhong sa kaniya para kumpirmahin ito.

Tinanong naman ni Vice ang co-host na si Kim Chiu kung ano ang mga naisulat na fake news ukol sa kaniya na agad niyang sinagot.

“Tatanggalin daw ako dito,” sabi ng dalga na siyang nagpatawa sa mga co-hosts nito.

“Araw-araw kasi ‘yun, eh. Ang sakit sa ulo,” dagdag pa ng TV host-actress.

Sey naman ni Meme Vice, marami raw ang naniniwala sa fake news na ‘yun at inaaway ang “It’s Showtime”.

So alam na, madlang pipol. Wala palang katotohanan ang kumakalat na chika at mismong si Kim Chiu na ang nagsabi.

Para ngang normal na lang sa mga artista ang mabiktima ng fake news dahil na rin siguro sa public figure sila at expose ang buhay nila sa mga fans pati na rin sa mga bashers.

Payo naman ni Vice, maging mapanuri sa bawat nababasa.

“Mas maging extra extra careful at piliin din ang mga binabasa at sites. Tignan muna kung kanino galing,” sey ng Unkabogable star.

Read more...