KRIS BERNAL kinakawawa si CARL GUEVARRA, ayaw aminin ang tunay na relasyon

“IT’S her choice,” ang maintrigang sagot ng kausap namin hinggil sa umano’y muling pagdedenay (for the nth time) ni Kris Bernal na may namamagitan sa kanila nu Kapuso hunk actor na si Carl Guevarra.

Binigyan daw naman pala ng choice si Kris na aminin o magsalita tungkol sa real score ng napapabalitang real-life BF niya, pero dahil sa may kung anong pressure kuno sa aktres na muling makakatambal ni Aljur Abrenica sa isang GMA 7 soap, hayun at nagpa-tweetums daw ito sa pagsasabing hanggang ngayon ay nasa friendly-stage pa lang sila ng binata na noon pa inamin ang panliligaw sa aktres at pagiging close nito sa mga kaanak ni Kris.

“Saka may consent din ni Carl bilang magkasama sila sa iisang network. For all we know, part ng kung anong peg nila ang denial para na rin siguro sa mas ikagaganda ng mga respective careers nila,” hirit pa ng aming kausap.

Anong sey mo kapatid na Ervin, epektib pa ba ang mga ganitong emote? (Naku, mare, hayaan mo na sila. Sino ba ang niloloko nila, tayo ba? – Ed)

( Photo credit to Google )

Read more...