Iwa ipinagtanggol si Lacson sa patutsada ni Duterte; Niña ibinandera ang pagmamahal kay mister

NAPA-REACT si Iwa Moto mula sa pamumuna ni Pang. Rodrigo Duterte sa hairdo ni Sen. Ping Lacson.

Kamakailan kasi ay pinuna ng pangulo ang buhok ng senador ay sinabing “Lahat kayo pati si Ping [Lacson] iba ang hairdo.”

Na sinagot naman ng senador ng “I don’t know what he is talking about. I haven’t changed the way I comb my hair long before he had lost his mind.”

Ipinost ni Iwa ang artcard mula sa isang news company kung saan kita ang naging statement ni Pang. Duterte at Sen. Lacson.

“Question lang po. Bakit buhok ni daddy ang topic ng pangulo natin? Diba dapat yung problema ng bayan?” saad ni Iwa sa kaniyang Instagram story.

“Ohh baka atakihin ako ng trolls ah,” dagdag pa nito.

Si Sen. Panfilo “Ping” Lacson ay ama ng partner ni Iwa na si Pampi Lacson III.

Mainit ngayon ang iringan nina Pang. Duterte at Sen. Lacson na nag-trending rin sa mga netizens.

* * *

Love is in the air naman ang peg ng mag-asawang sina Niña Jose at Mayor Cesar Quiambao.

At ngayong BER months na ay pinatunayan ng dating PBB teen housemate na mainit pa rin ang kanilang pagmamahalan.

“It’s You, because no one else makes sense (heart emoji),” caption nito sa IG post kasama ang photo nila together.

” I love you husband.. I am very married, so married, and super married. Have a happy September. We wish you love, happiness, and joy always,” dagdag pa nito.

Ikinasal si Niña Josa at Mayor Cesar Quiambao noong 2017.

Marami mang hindi tanggap ang kanilang relasyon dahil sa malayong age gap, buong tapang itong ipinaglaban ng dating aktres.

“Love is a CHOICE when you accept a person for who he or she is and commit yourself to grow together!”

Iginiit rin nito na hindi lang pera ang habol niya rito dahil marami ring nanligaw sa kaniya na mayaman ngunit ang alkalde ang kaniyang pinili dahil sa pagmamahal niya rito.

Read more...