BILANG selebrasyon ng ika-34th anniversary ni Ogie sa showbiz, nagkaroon ito ng exclusive interview kay Mama Loi kung saan ibinahagi nito ang mga naging karanasan sa nakalipas na mga taon.
Dito nga ay naungkat ang ibinabato sa kaniya ng bashers tulad ng masyado siyang sipsip sa Kapamilya network.
Tinanong naman ni Mama Loi kung may katotohanan ang akusasyon na ito at pabirong sinagot ni Ogie ng, “Oo, Keri?” sabay thumbs up sa camera.
“Hindi naman sipsip. Loyal siguro,” saad ni Ogie.
Ayon sa talent manager sobra niyang mahal ang ABS-CBN kahit na wala na siyang kontrata sa nasabing network. Sa katunayan ay pwede naman siyang tumawid sa kabilang bakod ngunit hindi niya ginagawa dahil tatag ng loyalty niya sa dos.
“Noong araw kasi na sobra akong hagilap talaga ng pera, noong early 90s, kada mawawalan ako ng show sa ABS-CBN, sumusulat ako kay Ma’am Charo.
“That time ang program director pa noon ay si Ma’am Charo. Sulat ako tapos after a week or two, meron na akong programa,” kuwento ni Ogie.
Noong mga panahon naman daw na naging presidente na si Charo Santos ay patuloy pa rin siyang sumusulat dito sa tuwing mawawalan siya ng work at ipinapasa ang kaniyang request kay Cory Vidanes.
“Dumating na ako sa point na nahiya na ako kina Tita Cory at Ma’am Charo. Sumulat na ako sa chairman, kay Sir Gabby Lopez. Na sana bigyan ako ng show ni Sir Gabby.
“So nangyari, nagsabi si Ma’am Charo sa akin, ‘Oh, tumawag sa akin si Gabby, sumulat ka pala sa kanya. Tatawagan ka na ni Cory para sa next show mo’ so tumatawag sa akin si Tita Cory para bigyan ako ng show,” pagpapatuloy ng talent manager at vlogger.
Sa tuwing mawawalan raw ng work si Ogie ay nandyan ang ABS-CBN executives para bigyan siya ng show.
“Sa panahon na kailangan nila ng kakampi, kailangan nila ng tagadepensa, kailangan nila ng kayakap, hindi ko sila iiwan. Hindi ko iiwan ang ABS-CBN. Mananatili akong ABS- CBN. Kapag ayaw na sa akin ng ABS-CBN, ayun, doon pa lang ako hahanap ng kapalaran sa ibang network,” pagbabahagi nito.
So far naman ay sobrang maganda at maayos ang relasyon niya sa ABS-CBN at sa big bosses nito.
Naniniwala rin ito ma darating ang panahon na babalik sa ere ang nasabing network dahil aware naman ang madlang pipol na compliant naman ang network sa lahat ng requirements na hinihingi.
Sa ika-34 years niya ay hiling nito na makabalik na ang ABS-CBN.
Hindi daw ito paninipsip at sa katunayan ay binibigyan siya ng shiw ngunit umayaw siya.
“Hindi lang naman ‘yung 11,000 employees at workers ang makikinabang, buong bansa at ‘yung mga naaabot ng ABS-CBN. Lagi kong pinagpe-pray na mabalik,” saad ni Ogie.