Yassi umaapaw ang blessings; masaya at nag-eenjoy sa business at investments

MATAPOS ang paglisan sa isa sa mga longest running show na “FPJ’s Ang Probinsyano’, patuloy pa rin ang pagdating ng blessings kay Yassi Pressman.

Bukod sa show nitong “Rolling in It” kung saan naeenjoy niya ang pagiging host ay pinasok na rin nito ang pagnenegosyo at pag-iinvest.

Isa sa mga unang negosyong pinasok ni Yassi ay Presidential Paws na isang shop ng mga dog accessories tulad ng mga collars, feeding bowls, leashes, at iba pa.

Kasama ni Yassi sa negosyong pinasok ang kapatid nitong si Issa. Dec 2020 nang i-launch nila ang business at sobrang okay daw ang nagiging takbo ng negosyo.

“Presidential Paws is actually opening the Philippine’s first dog park in BGC with Pet Me [Dog Park & Hotel], so it’s going to be the first dog park there off leash and we’re also going to do one in The Farm [at] San Benito,”  kwento ni Yassi sa ginanap na digital mediacon pagkatapos niyang mag-renew ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA).

Bukod rito, distributor din si Yassi ng Wavee. Ito ay isang high-tech toothbrush na puwedeng i-connect sa mga music streaming apps.

Ang latest business venture naman ng aktres ay ang pagtatayo ng Airbnb vacation home rental sa Ontario, Canada na isang idyllic lake-front property.

“I have I’ve been looking at property investment po and Canada was one of the places that’s why I was excited kasi ’yon po ’yung unang natapos because some of my partners are there and they’re able to build it. And then we’re on Airbnb.

“And we’re just trying that out po. We have a couple of guests in and they’re having a great time,” proud na saad ng aktres.

Matagal na rin sa industriya ang aktres ngunit ngayon lang niya nasubukan na i-explore ang pagbwnwgosyo dahil naging busy ito sa pag-aalaga sa kanilang ama na pumanaw noong February 2020.

“Before po kasi I was never able to put my one into these exploratory investments kasi I always took care of my father. Never ko pong inisip na I would have done it any other way. I will take pride in saying that I took care of my father ever since I was six years old.

“I’m very happy how that has turned out and I want to continue making him proud by securing our future sa kahit ano pong paraan,” masayang bahagi niya.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang blessings at kahit na maganda ang takbo ng mga pinapasok na negosyo ay hindi pa rin nito pinapabayaan ang pag-aartista.

Sa katunayan ay bibida ito sa Pinoy adaptation ng Korean hig movie na “More Than Blue” kung saan makakasama niya si JC Santos sa direksyon ni Nuel Naval.

Read more...