Xian Lim, Kim Chiu at Jennylyn Mercado
SINIGURO ng actor at direktor na si Xian Lim na hinding-hindi mawawala sa mundo ng showbiz ang loveteam nila ng kanyang girlfriend na si Kim Chiu.
Ito ang ipinagdiinan kanina ng binata nang humarap sa ilang members ng entertainment media via zoom para sa opisyal na pagpapakilala sa kanya bilang bagong Kapuso.
Natanong kasi si Xian kung ano ba ang naging reaksiyon ng Kapamilya actress sa naging desisyon niya na lumipat sa GMA 7 at dito nga niya sinabing hindi mawawala ang KimXi loveteam.
“Kami po ni Kim, we’re really supportive sa mga proyekto na ginagawa namin, mapa-pelikula po ‘yan, mapateleserye, mapa-working with other other actors and, in this case, network.
“At this point, we’ve come to realize na we grow as a couple and, at the same time, we grow as individuals. Yung tandem po na KimXi, it will always be there.
“Sa lahat ng mga nagtatanong, nababasa ko rin po sa Twitter, i-address ko lang po. It will always gonna be there (KimXi). Yung pagmamahal is always gonna be there. We support each other, basically,” paliwanag ng binata.
At sa tanong kung may possibility ba smagkasama sila ni Kim sa isang GMA project, diretsong sagot ni Xian, “Why not?”
Para sa una niyang proyekto sa GMA, magkakatambal sila ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado. Ito’y para sa upcoming drama series na “Love.Die.Repeat.”
Kasalukuyang naka-quarantine ngayon sa isang hotel si Xian pati na ang iba pang cast members ng “Love.Die.Repeat.” bilang paghahanda sa pagsisimula ng kanilang lock-in taping.
Ayon kay Xian, hindi pa talaga sila nakakapag-bonding ni Jennylyn. Sandali lamang daw silang nagkachikahan nang personal na magkita sa kanilang swab test.
“Mabilis lang, but we did get to konting kuwentuhan, pero as in sobrang bilis lang tapos may mask pa kami.
“We have our workshops online and nagkikita kami pong lahat sa Zoom para magkuwentuhan, magkaroon ng rapport sa isa’t isa,” kuwento ng aktor.
Samantala, inamin ni Xian na grabe ang naramdaman niyang kaligayahan nang malamang tuloy na ang paglipat niya sa GMA, “It only took one phone call and yung ngiti ko po ay abot tenga kaagad.
“Of course, I was really shocked and grateful nu’ng natanggap ko yung tawag na ‘yon but instantly, I said yes kasi isang karangalan na mabigyan ng isang proyekto from a network especially GMA,” aniya pa.
Dagdag pa ni Xian, “To be considered for a project this special, how can you say no? It is so wonderful that this opportunity was given to me. I am very grateful.”
“They’re warmly welcoming me sa Kapuso network. I’m just really happy and overwhelmed with joy sa lahat ng nangyayari. Nakakatuwa na positive ang feedback ng lahat,” dagdag pa niya.