Dating GMA talent coordinator humingi ng pang-ulam at gatas kay Willie para sa Haven Home for the Aged

Willie Revillame

IDINAAN kay Manay Lolit Solis ang paghingi ng tulong ng mga taga-Haven Home for the Aged kay “Wowowin” host Willie Revillame dahil kinakapos sa ulam at gatas ang mga kababayan nating piniling doon manirahan sa kanilang pagtanda.

Ang dating GMA 7 talent coordinator na si Ate Josy Maniego o mas kilala bilang Jopay ay doon na naninirahan dahil ang mga kaanak daw nito ay nasa ibang bansa.

Ang caption ni Manay Lolit sa ipinost niyang larawan ni Willie Revillame sa Instagram, “May dalang lungkot pero happy ako ng tawagan ni Jopay sa phone. Almost a month na siya sa Haven Home for the Aged at nakakatuwa na mukhang adjusted siya at sabi nga niya napakabait at competent ng mga staff kaya feeling niya naaalagaan siyang mabuti.

“Sa kuwentuhan daw nila ng mga staff doon nasabi niya na nagtrabaho siya kay Willie Revillame as TC o talent coordinator. Kaya nagpasabi daw ang management ng The Haven na sana naman makapagbigay ng tulong na mga delata at gatas ang Wowowin.

“Marami raw nagpapadala ng kaban-kaban bigas, pero short sila sa pang ulam at gatas. Alam ko na siguro naman pag nakarating kay Willie Revillame ang request ni Jopay hindi niya ito hihindian.

“Matagal naging parte ng production ni Willie si Jopay na kaya lang nawala dahil nga senior na at medyo nag cost-cutting siguro ang production ni Willie. Konting tulong lang ito sa Haven na ang daming inaalagaan matanda.

“At sa kuwento ni Jopay na napaka competent ng mga namamahala ng The Haven parang ang sarap magpadala ng tulong. Wait lang kayo Jopay, sure ako makakarating kay Willie ang request mo, at maligaya kayo na nasa Haven sa tulong na ipadadala niya. Ingat Jopay, stay safe and happy. Tawag ka lang basta may gusto ka iparating.”

Samantala nagbigay naman ng opinyon si Manay Lolit tungkol sa mga natulungan noon ni ate Jopay kung bakit hindi sila ang nag-aalaga sa kanya at ito rin pala ang nais niya na madala sa nursing home pagtanda niya dahil ang mga anak niya ay parehong nasa Amerika.

“Ayaw ko husgahan iyon mga pamangkin o kamag anak na natulungan ni Jopay. Puwede kasi na iyon pag stay niya sa the Haven Home for the Aged sarili niyang decision.

“Actually iyon din ang gusto ko kung sakali, ang tumira na lang sa nursing home para wala akong inaabalang tao pag medyo mahina at hindi na ako active. Marami kasi sa kamag-anak ni Jopay nasa abroad na, at baka iyon mga naiwan dito wala naman sa kapasidad para alagaan siya.

“Basta ginusto na niya na sa Haven siya mag retire. Kasi nga, solo lang siya, walang asawa o anak. Pero kahit nga siguro meron kang mga anak kung alam mo na baka maging abala ka sa kanila, mas gugustuhin mo nga siguro na mag home for the aged o nursing home.

“Meron mag aalaga sa iyo 24/7, wala kang maabalang tao. Kaya nga iyan ang pinaghandaan ko, iyon pambayad sa isang nursing home na private, meron doctor on call, mga caregiver, nurse na titingin sa akin. Dalawin na lang ako duon ng mga relatives ko kung gusto nila, o pag nasa Pilipinas ang mga anak ko.

“Mahirap talaga iyon wala kang kasama, lalo na pag ulyanin ka na. Buti na lang meron mga nursing home, home for the aged na puwede mo puntahan. Kaya duon nyo na lang ako dadalawin Salve at Gorgy, bring n’yo ako food ha,” mensahe pa ni Manay Lolit.

Read more...