Bela Padilla ‘agaw-eksena’ sa dinaluhang kasalan sa Italy

Bela Padilla at Norman Bay

BINATI ng mga kaibigan at katrabaho niya sa showbiz si Bela Padilla sa magandang gown nitong  canary yellow dahil bagay na bagay sa kanya lalo’t nagbawas pa siya ng timbang.

Base sa post ni Bela ngayong araw sa kanyang Instagram ay dumalo sila sa isang kasalan ng Swiss boyfriend niyang si Norman Bay na ginanap sa Lake Como, Italy base na rin sa caption niyang, “tanti auguri” na ang ibig sabihin ay “congratulations.”

Ang gorgeous nga ng dating ni Bela kaya kitang-kita na proud sa kanya si Norman base rin sa reaksyon nito sa larawang nakahawak siya sa beywang ng dalaga habang nakatitig dito.

Nangunguna naman ang bestfriend for life ni Bea na si Kim Chiu sa mga nagkomento sa nasabing IG post. Sabi ni @chinitaprincess, “Sooo bagay! (heart emojis). Soooo super cutie!!!!!”

Ayon naman sa wifey ni Robin Padilla na si Mariel Padilla, “Beautiful.”

Sabi ng kaibigan ni Bela na si Dani Barretto, “My sunshine.”

Komento ng stylist ni Bela na nagbihis sa kanya sa okasyon na si @adrianneconcept, “Bela and Harry spotted in Lake Como (Italy). ILY besh @bela.”

Hindi rin napigilan ni @alyanaasistio ang mag-comment ng, “Ganda mo bellsssss.”

Hmmm, matagal na si Bela sa Italy kaya ang tanong, for good na kaya siya roon? Plano na kaya ng aktres na doon manirahan kasama ang kanyang partner?

Hindi naman sana dahil napakarami pa niyang pwedeng gawin sa entertainment industry hindi lang ang pagiging artista kundi pati na rin ang pagdidirek at pagsusulat ng script.

Pero sakaling magdesisyon nga si Bela na iwan muna ang showbiz para sa kanyang boyfriend, siguradong susuportahan naman siya ng mga kaibigan at mga katrabaho niya sa entertainment industry.

Read more...