True ba, isa sa mga host ng ‘It’s Showtime’ tsutsugihin na?

WALANG mawawalang host sa Kapamilya noontime variety program na “It’s Showtime!”

May kumalat kasing balita sa social media na may tatanggalin daw na host sa nasabing noontime show ng Kapamilya network dahil nakakairita umano ang “pasigaw” nitong istilo sa pagho-host.

Hindi tinukoy sa balita kung sino ang TV host kaya hindi na rin namin babanggitin ang pangalan nito na umano’y tatanggalin at sa katunayan daw ay hindi na ito pinahahawakan ng mikropono.

Sa ganang amin ay malabong tanggalin sa “It’s Showtime” ang hindi tinukoy na host dahil unang-una isa siya sa kinagigiliwan ng lahat, lalo na ng mga manonood.

At pati management ay naaaliw sa kanya at ang dami niyang supporters na laging nagpapadala ng komento kapag napapanood siya sa programa.

Tanggap ng mga pioneer sa show, (lalo na ni Vice Ganda) ang istilo nito sa hosting dahil iyon naman talaga ang karakter niya kaya kinatutuwaan siya at higit sa lahat, malaki ang improvement niya dahil inaaral niya talaga ang spiel niya para makasabay sa lahat.

At isa rin daw sa dahilan kaya siya aalisin ay dahil gagawa siya ng teleserye bagay na malabong mangyari dahil nga gusto siya ng lahat at malaki ang naitutulong niya sa show.

Sa kasalukuyan, lahat ng teleserye ngayon ay naka lock-in shoot kaya paano siya gagawa kung may araw-araw siyang programa?

Sa ganang amin, malabo talaga siyang gumawa ng serye dahil wala pang mahanap na magandang materyal para sa kanya at nababagay na leading man dahil ang huli niyang nakasama sa top-rating program ay hindi na puwede.

Read more...