Pen Medina binanatan matapos sabihing hindi epektib ang face mask kontra COVID-19

Pen Medina

Pen Medina

KALIWA’T KANANG batikos at pang-ookray ang natanggap ng veteran actor na si Pen Medina matapos sabihing hindi siya naniniwalang effective ang pagsusuot ng face mask para hindi tamaan ng COVID-19.

Pagmamalaki ng beteranong character actor, kahit daw gumamit ng face mask ang mga tao ay malaki pa rin ang posibilidad na mahawa ang mga ito ng COVID.

“Napag-aralan ko na. Kasi po ang face mask malalaki ang hibla niyan. Yun pong coronavirus, ang mga virus, maliliit po.

“Kumbaga, hindi pa rin ito na-identified. Kumbaga sa lineup ng pulis hindi pa na pinpoint kung sino yung kriminal na virus,” ang pahayag ni Pen sa panayam ng DZBB.

Aniya pa, “Ito pong virus na ito, para kang naghahanap sa buhangin, sa isang beach na pagkarami-raming buhangin, at yung buhangin microscopic, di mo siya makikita sa mata mo lang.

“Kailangan gumamit (ng microscope)…Hindi pa po nila nakikita yan, tas may sinasabi nang variant… At iyan po ay lulusot po, kahit na anong mask. Dahil sobrang, sobrang pagkaliit-liit,” dagdag pa ng aktor.

Dahil dito, nakatanggap ng mga negatibong reaksyon si Pen mula sa mga netizens at karamihan sa mga ito ay nagsabing mas magaling pa siya ngayon sa mga health experts na palaging nagpapaala na epektibo pa rin ang paggamit ng face mask at face shield kontra COVID-19.

Komento ng isang netizen, “Balewala pala yung years of studying and research ng mga scientists kay pen medina eh napag-aralan niya na raw.”

Sabi pa ng isang kumontra sa aktor, “Sana okay ka lang Pen Medina. Di ko kinaya yung ‘napag aralan ko na’ Doctor ka po or Scientist?? Asking from a friend. #CovidFakeNewsSpreader.”

Matapang namang comment ng isa pang Twitter user, “Pen Medina, kung gusto mo mamatay, ikaw na lang ho! Wag ka na mang damay ng iba pa! Sobra na sakripisiyo ng mga healthcare workers sa bansa, yan ang isipin mo.”

“KASINUNGALINGAN. ANO BA PEN MEDINA?! WEAR A MASK! DOUBLE MASK! WASH YOUR HANDS! GET VACCINATED!! DO EVERYTHING YOU CAN TO PROTECT YOURSELF AND THE PEOPLE YOU LOVE FROM THE VIRUS! magpa rt pcr ka nakakaloka ka!” ang galit na galit na sey ng isa pang netizen.

Read more...