Marian pangarap makatambal ang Korean actor na si Hyun Bin: Tapos si Dong yung kontrabida!

Hyun Bin; Marian Rivera at Dingdong Dantes

Hyun Bin; Marian Rivera at Dingdong Dantes

ALAM na alam ni Dingdong Dantes kung ano talaga ang dream role ngayon ng kanyang pinakamamahal na asawang si Marian Rivera.

Ibinuking ng Kapuso Primetime King na pangarap ni Marian na makatrabaho at makatambal ang sikat na sikat na Korean actor na si Hyun Bin.

Sa mga hindi pa aware, si Hyun Bin ay ang South Korean actor na bumida sa K-drama series na “Crash Landing On You” na gumanap at nagpakilig bilang si Captain Ri.

“Gusto niyang maka-partner ‘yung ano, ‘yung nasa ano. ‘Yung Korean,” ang natatawang kuwento ni Dingdong sa naganap na virtual GMA Pinoy TV FunCon kamakailan.

Hirit naman ni Marian sa kanyang mister, “Kaya pala nagseselos ka doon kapag pinapanood ko!”

Tinanong daw talaga siya ni Dingdong kung bakit siya nakatutok kay Hyun Bin, “Sinasabi niya sa akin, talagang nandiyan ka? Ano bang meron diyan? Kinikilig talaga ako.”

Natatawa pang chika ng Kapuso actress at TV host, kapag daw nagtambal sila ni Hyun Bin nais niyang makasama pa rin si Dingdong — pero bilang kontrabida.

“Pero ang pangarap ko love triangle ha? Nandu’n siya. Involved siya. Pero kontrabida ko siya. Leading man ko ‘yun, kontrabida siya,” sey pa ni Marian.

Birong paninita pa ng Kapuso actress kay Dong, “Nakakaloka talagang sinabi mo ‘yun. Hindi ko na nga masyado pino-post ‘yun! Ha-hahaha!”

Samantala, kinumpirma nina Marian Rivera at Dingdong tuloy na ang muli nilang pagtatambal para sa isang project ng GMA 7.

Natanong kasi ang Kapuso royal couple kung kailan naman mangyayari ang kanilang reunion series at kung mapapanood na sila together sa TV very soon. Excited na sagot ni Marian, “Yes! Yes ang sagot. YES!”

“Very soon!” ang masayang pag-sang-ayon naman ni Dingdong.

Nauna rito, nabanggit na ng Kapuso Primetime King na magdedesisyon silang mag-asawa kapag kumpleto na ang kanilang COVID-19 vaccine.

“Kapag kumpleto muna ang bakuna. Meron pang second dose ‘yan and then, from there, tingnan natin,” sabi ng aktor na fully vaccinated na nga ngayon kontra COVID-19 pati na ang asawang si Marian.

Read more...