HALOS araw-araw ay may mga nababasa kami sa social media tungkol sa mga namayapang kaibigan at kakilalang personalidad dahil sa COVID-19.
‘Yung iba nga maayos ang pangangatawan, pero kapag tinamaan na ng depresyon ay unti-unti na itong nanghihina hanggang sa tamaan na ng nakamamatay na sakit.
Kaya marami kaming kakilala rin na hindi muna aktibo sa social media dahil ayaw nilang makabasa ng hindi magandang balita dahil nagsisilbi ito ng negative vibes.
Isa na sa kanila si 2018 Miss Universe Catriona Gray na ilang linggo ring nagpahinga sa social media accounts niya tulad ng Instagram at Twitter. Pero dahil may mga kailangan siyang i-post kaya kailangan niyang maging aktibo muli.
Sa huling post niya kamakailan ng larawan sa mahabang tulay siya na kuha sa ibang bansa ay ipinaliwanag niya kung bakit hindi siya aktibo sa loob ng ilang linggo.
“Hey everyone, just checking in. I know I haven’t been active much on social media lately. It’s just that personally, it’s become a bit much. Not social media alone, but just the news and the numbers.
“It feels like every week, there are condolences being shared on my timeline. Friends losing family. Friends losing friends. Families separated. People feeling isolated and alone fighting battles that seem too great.
“But I just wanted to reach out, in this small way to let you who are reading this know, that whatever it is that you’re facing or going through, you’re not alone. Your feelings and your experiences are VALID. And no matter how big the challenges may seem, there is always hope to be found. God is greater than this and He is on your side.
“Let me know in the comments how I can pray for you guys. Sending you all a big, big hug.
Umabot sa 1,473 comments na karamihan sa ay nagpasalamat sa concern niya at hindi siya nag-iisa sa nararamdaman niya.
Humingi naman ng permiso si @im_your_angel para i-repost itong mensahe ni Cartriona.
“Thanks for sharing the same thoughts. Praying for you, too! Permission to repost.”
Sabi naman ng TV personality na si @gretchenho, “You’re not alone in what you’re feeling! Thanks for sharing.”
Tatlong emoji hearts naman ang sagot ni Miss Universe sa kapatid niya sa Cornerstone Entertainment.
Isa-isa naming binasa ang lahat ng komento at karamihan ay sinagot lahat ni Catriona kaya maraming natuwang netizens.
Tulad ni @huuuuuuussssssshhhhhhhhhhhhhhh na may pinagdadaanan din, “Thank you, Miss Cat. I am an OFW who recently came back to my work. I am feeling isolated as of the moment as my friends are all back home in the Philippines and I feel my mental health is deteriorating already. I want to go home but I can’t. I need to earn money for my family.
Kinalma naman siya ng dalaga, “I’m so sorry that you have to be away from your loved ones. Yours is a heavy burden to carry, but I pray that you feel God’s love and comfort right now.”
At halos lahat ay sinabihan siyang mag-iingat din ngayong panahon na ito.
Tsinek din namin ang IG account ng boyfriend niyang si Sam Milby kung may mga ganitong emote din pero wala dahil ang huling post niya ay ang larawan ng PBB House at lumang larawan niya noong sumali siya bilang housemate sa season 1.
Ang caption ni Samuel, “What’s with the 10, PBB? 🤔 @pbbabscbntv
“I can still remember the first time I stepped in your house, Kuya. I found it hard to speak Filipino but I never felt that I didn’t belong. I found a new family inside your house and I’m truly grateful for everything. So I hope everything’s okay, Kuya!”
Sabi ng followers ng aktor, “how time flies Sam.”
* * *
Muling magbubukas ang Bahay ni Kuya upang magbigay saya at inspirasyon na magbubuklod sa mga komunidad ng Pilipino ngayong pandemya sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.”
Ito ang naging pasabog na announcement nila Vice Ganda at former housemates na sina Ryan Bang, at Teen Big Winner Kim Chiu sa “It’s Showtime” nitong Biyernes sa pagpapakilala nila sa bagong season ng “PBB” na magkakaroon ng adult, celebrity, at teen editions.
“Binigyan ako ng task ni Big Brother para sabihin sa lahat na magbubukas na ulit ang bahay ni Kuya para sa Season 10 ng ‘Pinoy Big Brother.’ Naka-10 seasons na pala tayo,” ani Kim.
Dagdag ni Ryan, “Sabi nga sa labas ng bahay niya…a new community will rise soon.”
Ang tinutukoy ni Ryan ang mistulang pagsasara ng bahay ni Kuya dahil tinakpan ito ng blue construction cover na may mensaheng, “a new community will rise soon.” Nabulabog ang netizens sa mga kumalat na larawan sa social media nagtaka sila kung tuluyan na bang mamamaalam si Kuya.
Sinundan pa ito ng pagpaskil ng numero 10 sa tabi ng gate ng tinaguriang pinakasikat na bahay sa Pilipinas na napansin din ng ilan sa mga dating housemate ni Kuya tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Lou Yanong, Maris Racal, Maymay Entrata, Ryan Bang, Sam Milby, at Seth Fedelin.
Katulad sa “PBB Connect,” sa Pinoy community platform na Kumu gaganapin ang auditions para sa “Pinoy Big Brother Kumunity” na magsisimula sa Setyembre 1 para sa adult edition at Disyembre 1 naman para sa teen edition. Matatandaang mainit ang pagtanggap ng mga Pilipino sa nakaraang season kung saan 177,524 ang nag-audition upang maging housemate ni Kuya.
Magaganap din ngayong araw sa Kumu ang pagsama-sama muli ng mga housemate mula sa iba-ibang edisyon ng “PBB” na unang napanood sa ABS-CBN noong 2005. Ang “PBB” host na si Bianca Gonzalez ang mangunguna sa “PBB Kumunity Season 10 Kumu Party” na magsi-stream sa Kumu sa ganap na 3 pm.
Abangan ang iba pang exciting announcement tungkol sa “PBB Kumunity Season 10” sa Facebook (@PBBABSCBNTV), Twitter (@PBBABSCBN), at Kumu (@PBBABSCBN).
Para sa ibang balita sa ABS-CBN, i-follow ang @ABS-CBNPR sa Facebook,Twitter, TikTok, at Instagram (@abscbnpr) o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.