Cellphone ni Alex nahablot sa EDSA: Salamat sa asawa ng snatcher ko dahil subscriber ko raw sila


LUBOS ang pagpapasalamat ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa mga tumulong sa kanila upang mabawi ang kanyang cellphone na hinablot habang sila’y nasa EDSA.

“Got my phone back after mahablot sa edsa!!! Thank you so much sa Guadalupe nuevo police sub-station 7 for helping us. Grabe taas dalawa kamay namin sa galing at bilis ng action nyo mga sir,” pagbabahagi ng actress-vlogger.

Malaki rin ang pasasalamat ni Alex sa kanyang driver na si Kuya Arvi dahil walang kyeme nitong hinabol ang snatcher para mabawi ang cellphone ng kanyang bossing.

Dagdag pa niya, nagpapasalamat rin siya mga motorista sa EDSA na nakihabol at tumulong na mahuli ang isa sa mga snatchers.

“And lastly salamat sa asawa ng snatcher ko dahil subscriber daw pala sila,” nakakatawang saad ni Alex.

Ayon kay Alex, ang personal assistant niyang si Sofie ang may hawak ng phone niya. May pinakuhaan siya ng litrato at dahil mabagal ang takbo ng trapiko, nahablot ang cellphone niya habang hawak ni Sofie.

“Ang pinakamalaking tulong po talaga ay dahil may nahabol at nahuli si Kuya Arvi na isa sa mga snatchers dahil akala nila hindi na sila mahahabol. kaya thank you po talaga sa lahat ng tumulong,” muling pagpapasalamat ng aktres.

Napag-alaman ng mga otoridad na ibebenta sana ang cellphone sa halagang aabot sa halos P80,000 matapos itong marekober sa ginanap na follow-up operation ng mga pulis.

Sa ngayon ay malaya na ang arestadong suspek dahil hindi na nagsampa ng kaso si Alex sapagkat nabawi naman niya ang kaniyang cellphone.

Read more...