SHARON talak nang talak, nagalit sa pagdawit kay KIKO sa P10-B PORK BARREL SCAM

NGAYONG araw sa SM Megamall function room B ang grand trade launch ng TV5 para sa mga bagong programa nilang eere ngayong Setyembre at open ito sa publiko, mag-uumpisa ang show ng 4 p.m. at dadaluhan ng mga Kapatid talents.

Sina Sharon Cuneta at Aga Muhlach ang kumpirmadong darating ngayong hapon at sana magpa-interview din ang dalawa tungkol sa mga nangyayaring isyu ngayon sa P10 billion pork barrel scam.

Actually, bossing Ervin tumatalak na si Sharon sa Twitter niya tungkol sa pagkakadawit ng asawang si Sen. Kiko Pangilinan kay Janet Lim Napoles.

Ayon sa Megastar ay napunta raw sa dapat puntahan ang pork barrel ng asawang senador at dahil dito ay lalong tumindi ang galit niya kay Napoles since malaki rin ang binabayaran niyang buwis at inamin ding sinusubaybayan niya ang kaso nito.

Anyway, magkasama sina Sharon at Ogie Alcasid sa programang The Mega and The Songwriter bukod pa sa kauna-unahan niyang teseryeng Madam Chairman.

Si Aga naman ay hindi pa nagbibigay ng opinyon tungkol sa Janet Napoles isyu at bukod tanging ang asawang si Charlene Gonzales lang ang nagbigay ng opinyon hinggil dito sa pamamagitan ng kanyant Instagram account.

Anyway, sa mga hindi naman gaanong busy ngayong araw, e, puwede kayong makiusyoso sa grand trade launch ng TV5 sa SM Megamall function room B dahil pampamilya rin ang nasabing event.

( Photo credit to Google )

Read more...