Paulo ipinakulam daw ng galit na fan: Parang hindi naman effective

Paulo Avelino

BENTANG-BENTA sa madlang pipol ang mga bagong paandar ni Paulo Avelino sa social media, lalo na nang bigla siyang magyaya sa isang virtual “e-numan” session.

Inamin ng binata na medyo bored na siya sa buhay dahil nga sa COVID-19 pandemic kaya naisipan niyang mag-tweet para magtanong kung sino ang gustong makipag-inuman sa kanya online.

“Right now I’m really bored so puro workout na lang. Never rin naman talaga ako lumalabas ng bahay unless magmo-motor ako nung time na pre-pandemic.

“Pero minsan kailangan talaga ng social interaction eh kasi nakakabaliw lang talaga. Actually medyo inconsistent yung mga iniinom ko. May times na gusto ko puro wine, may times na nagbi-beer ka lang ng nagbi-beer.

“I like drinking in quiet places. I like drinking with people I know. Pero masaya siya. In all fairness tame naman yung mga tao tapos nagre-raise sila ng hand sa Zoom. Ang galing-galing. Dapat nu’ng una makikinig lang ako eh, pero ang gulo kasi masyado kasi walang nagku-curate,” kuwento ni Paulo sa online chikahan nila ni G3 San Diego.

In fairness, mas nagiging open na siya ngayon sa pakikipag-interact sa mga netizens, lalo na sa kanyang mga loyal supporters na nagsasabing mas gusto nila ngayon ang level-up version ni Paulo Avelino.

“It’s not really a persona. It’s everyday life. I think kaya maraming replies or retweets it’s because people can relate to it. Kumbaga, hindi lang ako yung nag-iisang ganu’n. Marami tayo. If you try to look at the kids now, they talk like that. They’re straightforward.

“It’s not really about speaking their language, it’s like adding your humor to their language,” paliwanag ng aktor.

Pero nilinaw ng binata na hindi naman daw siya “pakilig” tulad ng sinasabi ng ilang netizens, “Parang hindi ako ganu’n. When I meet someone especially if I meet someone I like, parang I try to get to know the person more.

“And at the same time I try to be to get to know them as me as I could, without any pretentions, without any pasosyal or anything. It’s just like bare me. So they know ano yung pinapasok nila. Ha-hahaha!” chika ng Kapamilya star.

Kumusta naman ang naging experience niya sa pakikipag-interact sa kanyang social media followers? “Tame naman yung mga Paunatics. Meron lang akong nadaanan before na pinapakulam daw ako. Bale parang di naman effective. Kulam as in galit yata na kulam. 

“But I wouldn’t say that it’s obsessive or something like that in that manner. Kumbaga I’m sure 70-80% sa kanila nangti-trip na lang din. 

“Kumbaga sumasakay na lang din. They reply something witty and other people would read it then they’ll find it funny. It’s more about spreading good vibes,” aniya pa.

Pwede ba siyang ma-in love sa isang fan? “Well di malabong mangyari. I would never limit myself when it comes to love. If the person’s for you then she’s for you.”

Read more...