Pops sa mga nakarelasyong bagets: I don’t offer money, I’m kuripot!

Jomari Yllana at Pops Fernandez

TALAGANG hinusgahan nang bonggang-bongga si Pops Fernandez noong panahong nagkadyowa siya nang mas bata sa kanya.

Isa ito sa mga topic na napag-usapan nina Pops at Vicki Belo sa latest YouTube vlog ng celebrity cosmetic surgeon.

Nagpalitan ng kanilang mga karanasan ang magkaibigan tungkol sa pakikipagrelasyon sa mas batang lalaki at kung paano sila hinusgahan mga tao dahil lang dito.

“Kasi we get judged, grabe! Older guys kapag 75 years old, nagde-date ng 25, walang reklamo,” simulang pahayag ni Belo.

“Merit pa ‘yon sa kanila,” mabilis namang hirit ng original Concert Queen.

“Pero kapag babae mas older, my gosh judgment everywhere,” sabi uli ni Vicki.

Kuwento ni Pops, matindi rin ang inabot niyang panghuhusga mula sa mga tao noong panahong nagka-boyfriend siya ng mas bata sa kanya ng ilang taon, “I felt like, pinipilit ko ‘yung partner ko.”
Na dinugtungan naman ni Vicki ng, “Or pera lang hanap sa ‘yo.”

“First of all, I don’t offer money. I’m kuripot,” natatawang sagot ni Pops sa asawa ni Hayden Kho.

“Kawawa rin for the guys because they get judged and they’re not like that,” aniya pa.

Sey uli ni Pops, “They don’t see it as an honest-to-goodness relationship. I went through a lot of that and I cried about those things talaga.” 

And yes, single pa rin si Pops until now pero hindi pa siya sumusuko pagdating sa usaping love, “It’s hard to believe I’m not sad. I was sad, I was lonely. 

“We put it in our minds that for you to be happy, you have to have a partner. But I realized, I’m okay. Im happy. I’m happy with my family, I’m happy with my boys (mga anak nila ng ex-husband na si Martin Nievera),” katwiran ng singer-actress at concert producer.

Kung matatandaan, dalawa sa mga nakarelasyon ni Pops na mas bata sa kanya ay sina Jomari Yllana at Brad Turvey.

Sa ngayon naman, masaya naman ang married life nina Vicki at Hayden (23 taon ang agwat ng kanilang edad) kasama ang kanilang anak na si Scarlet Snow.

Read more...