Miguel CuUnjeng ibinandera ang pagmamahal kay Yam Concepcion


LOOKING good ang bagong kasal na si Yam Concepcion sa online interview kay Tito Boy Abunda kasama ang co-stars na sina JM de Guzman at Gerald Anderson.

Masayang masaya ang aktres sa naging pagtanggap ng madlang pipol sa naging teleserye nila na “Init sa Magdamag”.

Nang tanungin naman siya kung ano ang takeaway niya sa kanilang naging serye, matapang ang naging sagot nito.

“You have to stand up for yourself. Kailangan mong lumaban. Hindi ka pwedeng manahimik lang,” sagot ng aktres.

“You have to be smart enough to know kung kailan na siya abusive talaga. Ikaw na ‘yun, eh. Gut-feel mo na ‘yun. Alam mo na sa sarili mo when it is time to stad up for yourself and do the right thing, dagdag pa nito.

Tinanong naman ni King of Talk kung gaano kainit ang magdamag ng aktres at sinagot niya ito with a smile.

“Syempre Tito Boy bagong kasal. Mainit na mainit, kasing init ng summer dito,” game na sagot ng aktres.

Napunta naman ang topic nila sa usapang love kung saan tinanong siya kung ano nga ba ito para sa kanya ngayong kasal na ang aktres.

“Love is a choice. Even sa vows ko sa wedding ko sinabi ko ‘yun. Love is not just a feeling but a choice that you make. It’s a commitment,” saad ng aktres.

Sa kalagitnaan naman ng interview ay lumabas ang asawa nito at humalik sa labi ng aktres na saktong sakto sa sinasabi ni Gerald Anderson sa interview.

“Tignan mo, ginagamit ni Yam sa tama. Boom! Perfect! Ginamit ni Yam sa tama ang love,” saad ni Gerald na sakto sa pagki-kiss ng dalawa.

Tila nakalimutan ni Yam na nasa online interview ito at di napigilan ang sarili.

At dahil nandyan nasa frame na rin ang asawa nitong si Miguel CuUnjieng, sinabihan nito si Tito Boy na tanungin rin ito kung ano ang love para sa kanya.

“Well as a philosophy major, I’m always a fan of Plato’s symposium and that chapter or that section about the union of two complementary halves that used to be whole,” umpisa ni Miguel.

“And so when you fall in love and find the right person, it is the reunion of two parts that used to be whole. In that sense, I do think Yam and I have the perfect yin and yang.

“I’d say we’re complimentary opposites. I’m the nerdy one, she’s the cool one. She is more spontaneous and I’m more kind of regimented. I think she challenges me and pushes me in the right ways and at the same time, I also challenge and push her in the right ways,” nakakakilig na sagot ni Miguel.

Tinanong rin ni Tito Boy kung naniniwala siyang love is really a choice na sagot ni Yam base sa pinapaniwalaang pilosopiya ni Miguel.

“Absolutely. It’s a broader choice and then thousands of many choices everyday. But beyond that, I also think it’s about taking yourself out of the relationship and prioritizing the individual as well.

“Always making sure that if I am to be the right partner for Yam, I am a person that will allow Yam to be her truest self outside of the dynamic of the relationship,” sagot nitong muli na nagpahanga sa asawa.

Nainggit nga ang co-star nitong si JM sa kung paano ang relasyon nina Yam at Miguel dahil minsan rin niyang naramdaman ang pakiramdam na magmahal at mahalin pabalik.

Sang-ayon rin si Gerald sa sinabi ni Miguel na kailangang buo ka bago ka pumasok sa relasyon.

Tinanong naman ni Tito Boy kung nagbago na ang pananaw nito sa naunang pahayag nito na last muna ang “Init sa Magdamag” nitong teleserye, sagot naman ng aktres ay sa ngayon, ine-enjoy pa nito ang buhay sa Amerika ngunit hindi nito sinasara ang pinto kung sakaling may proyektong dumating.

Dagdag pa nito, priority nito sa ngayon ang love matapos ang matagal na pagpa-prioritize nito sa kanyang career.

Read more...