NAGULAT ang mga netizens matapos makita ang kontrobersyal na My Day sa official Facebook page ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Isang malaswang litrato kasi ng babae na naka-face mask ang tumambad sa mga netizens.
Kinumpirma ng admin at staff ni Herbert na na-hack ang official page ng dating alkalde.
“We urge all followers of the Mayor Herbert M. Bautista – Quezon City Facebook Page account to report it for investigation due to malicious and unauthorized access,” ayon sa statement na inilabas sa naturang FB page.
“We deny the unsavory post that was uploaded in that socmed account. Please be guided accordingly,” dagdag pa nila.
Di naman mapigilan ng mga netizens na mapa-react nang mapanuod ang my day ng dating alkalde.
Comment ng isang netizen, “Boss, tindi ng my day mo HAHAHAHAHA’
Chika naman ng isa pa, “Okay lang yan Mayor, Tama lang naman na dapat laging naka Facemask, hehe”
Sey pa ng isa pang netizen, “para paraan. boto nyo daw sa susunod”
Totoo kaya na may kinalaman ito sa pulitika ngayong nalalapit na ang eleksyon?
Bali-balita nga na may chance na tumakbong muli si Bistek ngunit wala pa rin itong kumpirmasyon mula sa aktor.
Base rin sa huling interview nito, masaya siya dahil napakaraming projects ang dumating matapos siyang bumaba sa pagka-alkalde at ini-enjoy pa niya ang pagbabalik showbiz.