Luis planong maging doktor, may sinundang babae kaya ‘di natuloy


TRENDING ang vlog ni Jessy Mendiola kung saan kasama niya ang kaniyang Howhow na si Luis Manzano at ang Momski na si Cong. Vilma Santos.

Aliw na aliw panoorin ang tatlo sa vlog kung saan nagtagisan ng galing sina Jessy at Ate Vi kung sino ang mas lubos na nakakakilala kay Lucky.

Unang tanong pa lang ay aliw na dahil tila hindi na agad natutuwa si Lucky sa sagot ng mga ito sa unang tanong kung kailan ito grumaduate ng high school.

Sa series of questions na hinanda ni Lucky para sa dalawa, naitanong nito kung ano ang nickname niya noong bata.

“Lucky,” sagot ni Ate Vi.

“Bako-bako,” sagot naman ni Jessy.

Na-curious naman ang actress-turned-vlogger kung bakit bako-bako ang nickname niya.

Sinagot naman ito ni Luis na dahil noong bata raw ay bako-bako ang kaniyang ulo kaya ‘yun ang tawag sa kaniya ng mga pinsan niya.

Ibinahagi rin nila ang naging rason bakit naging ‘Lucky’ ang kaniyang nickname.

Amin ng TV host-actor, Nickolai raw ang dapat na pangalan niya sapagkat ito ang paboritong pangalan ni Ate Vi.

“Kaya lang what happened was, noong time na nagkaroon ako ng problema financially, back to zero talaga, wala na akong pera, ipinagbubuntis ko siya (Luis),” umpisa ng veteran actress-politician.

“And then noong pinanganak ko si Lucky, April 21, 1991. So April is 4th month, plus 2 plus 1 is 7. And then, noong pinanganak ko siya ang birth weight niya ay 7.7 kg.

“When I gave birth to him, ‘yung recover ko talaga sa showbiz, parang mas minahal ako ng tao. Doon ko nakuha ‘yung box office. Doon ko nakuha lahat ng best actress awards. Talagang naging very lucky siya sa buhay ko.

“I was able to recover. Kaya mula noon, sinabi ko, talagang lucky siya sa buhay ko,” pagpapatuloy nito.

Very proud naman si Luis sa kuwento ng kaniyang pangalan ngunit hindi pa rin nito napigilan magbiro kaya balik katatawanan na naman ang mood.

Nang tanungin naman ni Luis kung ano ang pinakaayaw ni Luis, agad namang sumagot si Ate Vi na ayaw na ayaw ni Luis ng late.

Ikinuwento rin nito ang ilang instances na pinatunayan ni Luis na on time ito palagi gaano man ito ka-busy.

“Naniniwala ako na ang most basic form of respect is being on time,” amin naman ni Luis.

Isa pang pasabog sa vlog ay ang naging dahilan kung bakit hindi pinursige ni Luis ang pagdodoktor noong college.

Kuwento ni Jessy, may babaeng sinundan si Luis kaya ito nag-take ng BS HRM.

Dagdag naman ni Luis, noong mga panahon na ‘yon daw ay nagkakamabutihan na sila ng babae at parang seryoso na ang magiging relasyon kaya nagdesisyon itong sundan ang path ng dalaga.

Ang ending, tie ang scores ninan Jessy at ni Ate Vi.

Mukha namang nasasanay na sa vlogging si Ate Vi dahil panay ang paglabas niya sa vlogs ng dalawa. Road to vlogging na rin ba ito para sa actress-politician?

Read more...