Vice nireto ang staff ng Showtime kay Bb. Pilipinas Intercontinental 2019 Emma Tiglao


KAMAKAILAN ay naging sentro ng show ang isa sa mga staff ng “It’s Showtime” dahil saktong sakto ang mga tanong sa segment na “Madlang Pi-Poll” sa kaniyang pinagdaraanan.

Noong August 17, nag-viral ang cameraman na nakilala bilang si “Pido”. Hiningi kasi ni Vice ang pulso ng mga cameraman ukol sa ano ang posibleng dahilan para iwan ang asawa.

Agad namang pinagkaisahan ng mga kapwa cameraman si “Pido” dahil parang nangyari na ito sa kanya in real life.

Lumapit si Vice at tinanong si “Pido” kung ano ang magiging dahilan nito kung sakaling iiwan na nito ang asawa.

“Baka may iba,” sagot nito.

Nang tanungin naman kung iiwan niya ito agad o ipaglalaban muna, halos naiiyak na ito nang sumagot ng “Ipaglalaban hanggang kaya kumaban”.

Niyakap naman ng TV host-comedian ang staff at sinabing may mga taong tulad ni Pido na ipaglalaban ang pagmamahal hanggang kaya at may iba naman na umaalis na lang.

Nag-trending naman si Pido dahil marami ang naka-relate sa kaniya.

Matapos ang ilang araw, sinubukang ireto ni Vice Ganda si Pido kay Binibining Pilipinas Intercontinental 2019 Emma Tiglao.

Agad naghiyawan ang mga tao sa show matapos ipakilala ni Vice ang dalawa sa isa’t isa.

Game na game naman ang dalaga at binigyan pa ng advice si Pido sa pinagdaraanan.

“Lagi mo lang akong tignan para sumaya ka,” saad ng beauty queen.

Tila kinilig naman si Pido ngunit muling nabigo dahil taken na ang beauty queen.

Read more...