Nadine bumalik na sa Viva, pumayag nang gumawa uli ng pelikula

Nadine Lustre at James Reid

SO, balik-Viva Artists Agency na pala si Nadine Lustre at nakatakda nang gumawa ng pelikula.

Ito’y base sa pahayag ni Vincent del Rosario, ang President at COO ng Viva sa katatapos na zoom mediacon ngayong hapon para sa “Vivamaxxed.”

Sobrang daming pelikulang pino-produce ng Viva na ipalalabas sa sarili nilang streaming app na Vivamax na may 600,000 subscribers na and still counting.

Kaya natanong si boss Vincent kung hindi ba sila nanghihinayang sa tambalang James Reid at Nadine Lustre dahil hindi na nga ito na-experience ng JaDine considering na maraming followers ang nasabing loveteam lalo’t nagpo-produce na rin ang aktor ng sarili nilang music videos.

Ayon sa Viva executive ay kasama pa rin ang mga lumang pelikula ng JaDine sa Vivamax na puwedeng panoorin. At hintayin na lamang nila ang mga susunod na projects ni Nadine sa kanila.

“I think in a few weeks, we’re presenting to Nadine some projects that she may want to consider doing for us, movie projects for Vivamax or for the cinema.

“We’re sitting down soon, boss Vic (del Rosario) has asked us to come up with ideas, concepts that we can present to her, so we’re very excited the opportunity to work with her again and hopefully maybe soon and so with James through his music or sa pag-aartista,” masayang kuwento ni boss Vincent.

Dagdag pa niya, “Sa aming end, I think maraming beses na nasabi ni boss Vic especially sa case ni Nadine na we want to work with her, we want her to do projects just finding the right materials na hinahanap din namin siyempre ang mga bagay sa kanya at natutuwa siyang gawin ulit.

“I’m sure within the year, we will be announcing the projects with her and hopefully beyond that even James as couple or individually,” aniya pa.

Magandang balita ito para sa JaDine fans na muli nilang mapapanood ang kanilang mga idolo sa pelikula o concerts through Vivamax soon. Good news din na naayos na ang legal issue sa pagitan ng aktres at ng nasabing talent management.

Speaking of Vivamax ay hindi rin makapaniwala ang Viva sa lakas nito kahit sa ibang bansa dahil noong Jan. 29, 2021 lang ito na-launch ay humakot na ito ng 600K subscribers na matagal ng pangarap ng Viva Films honcho na si boss Vic na naudlot lang dahil sa pandemya.

Read more...