Hashtag Nikko kinampihan si Arjo: Ate masama magpakalat ng fake news baka magsara ang…

USAP-USAPAN ngayon ang aktor na si Arjo Atayde matapos ang kontrobersya ng biglaang pag-alis nang walang pahintulot sa local government ng Baguio matapos itong mag-positive sa COVID-19.

Sa kabila ng mga akusasyon sa aktor, marami ang patuloy na nagtatanggol rito. Isa na nga dito si Hashtag Nikko Natividad.

Ipinost ng aktor ang screenshot ng kaniyang tweet na “Napaka buti at alaga ni Arjo sa aming lahat. Kaya paanong sasabihing inabanduna?” sa kaniyang Instagram account.

Caption pa nito, “Hindi ganung tao si @arjoatayde”

Isang netizen naman ang nag-comment sa kaniyang post at sinabing “syempre sa inyo, maasikaso kasi mga kaibigan pero pamilya pinabayaan.”

Agad namang rumesbak ang aktor at sinabing “Sure ka? Kanino mo nalaman na pinabayaan niya pamilya niya? Ate masama magpakalat ng fake news baka magsara p*pe mo.”

Marami naman nang napataas ang kilay sa bastos na sinabi ng aktor.

May isang netizen rin ang nagreply sa kaniyang my day na kaniyang sinagot at ipinost nito sa IG story.

Base sa kanilang convo, sinuway ng netizen ang aktor dahil sa kabastusan nito.

Ani ng netizen, “bastos ka talaga para kang walang asawa. Proud na proud ka pang bastos ka? Parang walang pinag-aralan.”

Hindi naman ito pinalagpas ng aktor at agad agad na nireplyan ito.

“Sinong nagsabing proud ako? ‘Pag pinatulan at binigyan ng leksyon ‘yang mga bastos galit pa kayo sa ‘min.

“Ano tingin n’yo sa aming mga artista? Hindi tao? Kayo lang puwede pumitik at magtanggol ng kaibigan? May COVID na kaibigan ko, gagaguhin pa niya.

“Paano kung sa ‘yo gawin ‘yan? Matutuwa ka ba? Isip isip rin. Hindi na sapat na tahimik na lang kami. Masyado n’yo na kaming binabastos,” sunod sunod na reply ng aktor.

Agad namang nag-sorry ang naunang netizen na sinagot ng aktor at sinabing ibang tao ang tinutukoy nito.

Isa si Hashtag Nikko sa mga artistang kasama ni Arjo Atayde sa Baguio para sa pelikula nito.

Read more...