Alex Gonzaga at Mikee Morada
BONGGA ang ginawang pamamasada ng mag- asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada sa bayan ng huli, Lipa, Batangas.
“Binisita ko siya at sabi ko diyan sa Lipa usung- uso ang mga motorsiklo at mga tricycle. Kaya naisip ko mamamasada kami ng aking mister na gamit ang tricycle,” say ni Alex.
“Siyempre nakapag-obserba na kami gaya ng mga misis na naka- backride kaya kumpleto na ako. May mga dala na akong lampin at mga panukli,” say ni Alex.
“Kayang- kaya mo naman pala, eh. Ako’y natutuwa. Ngayon ko lang itong nakitang mag-drive,” sabi ni Alex habang nagda-drive ang asawa.
Pumuwesto si Mikee sa isang pila ng tricycle at pinagbibigyan ng pera ni Alex ang mga nakapilang driver. Doon na sila nakakuha ng una nilang pasahero na isang lalaki at babae.
While driving namatayan ng makina ang dyowa ni Alex.
Nang bumaba ang dalawang pasahero ay siningil ito ng bente pesos ni Alex. Naloka ang dalawang pasahero dahil inabutan sila ni Alex ng tig-P500 bilang sukli.
Ang huli nilang pasahero kaya malaki ang ibinigay nilang donation ay sinabing para ito sa kanilang parokya.
Later after kumain ay sinorpresa ni Alex ang kanyang dyowa sa regalo niyang tricycle.
* * *
Nominated ang “Huwag Kang Mangamba” bilang Best Drama Series/Telefilm Made for a Single Asian Market sa prestihiyosong Content Asia Awards 2021.
Makakatapat ng inspirational teleserye ang iba pang apat na nominadong programa mula sa Asya. Papangalanan naman ang winner sa isang virtual ceremony sa Agosto 27 base sa kahalagahan at pagiging akma nito sa mga manonood sa Pilipinas.
Ang Content Asia Awards ay inoorganisa ng Content Asia, isang nangungunang information result na nag- uulat rungkol sa entertainment media industry sa buong Asia Pacific Region.
Sa pagpapatuloy ng “Huwag Kang Mangamba” ngayong linggo, magsisimula nang hanapin ng magkapatid ang nawawalang anak ni Barang (Sylvia Sanchez) matapos itong ilagay sa isang mental facility.
Patuloy naman ang mga masasamang balak ng pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdez) dahil sisimulan na niya ang pagpapatayo ng kanyang healing dome.
Kumuha ng pag- asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba “gabi gabi sa Kapamilya channel.