Maja ibinuking na nanligaw sa kanya noon si Enchong; na-enjoy ang pagsampal kay Coco

Maja Salvador, Coco Martin at Enchong Dee

IBINANDERA ni Maja Salvador na sinubukan siyang pormahan noon ng kanyang BFF at dating ka-loveteam na si Enchong Dee.

Ayon sa singer-actress, hindi na naka-first base ang binata sa kanya dahil tinanggihan agad niya ang plano nitong panliligaw.

Sa pinakabagong vlog ng dalaga, game na game silang sumabak ni Enchong sa drinking game na “Drink or Spill”. Dito pinangalanan nga ni Maja ang aktor bilang isa sa mga artista na sinubukan siyang ligawan.

“Enchong Dee!” ang diretsahang sabi ng aktres. Makikita naman sa naging reaksyon ni Enchong ang pagkagulat na ilang sandaling natigilan.

Sey uli ni Maja, “Sorry.” Sagot naman ni Enchong na tila nawala sa sarili, “Anong nangyari? Baka sabihin nila crush kita.”

“Nanligaw ka nga ‘no. Hello!” ang panunukso naman ng aktres. Pero ipinagdiinan ni Maja na best friends na sila ngayon ni Enchong.

Samantala, sa isang bahagi ng vlog, sinagot din ng aktres kung sino ang artistang nasampal niya sa isang eksena na talagang na-enjoy niya nang bonggang-bongga.

“Well alam naman ng lahat na aso’t pusa kami ni Coco (Martin). So may time na nakakagigil siya tapos may eksena na sasampalin ko siya kaya na-enjoy ko. Sorry, Cardo,” sabi ni Maja.

Ang tinutukoy ng dalaga ay ang isang eksena nila noon sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan naging leading lady siya ni Coco.

Hindi naman sinagot ni Enchong ang mga tanong kung magkano ang pinakamalaking nagastos niya sa isang araw at kung paano niya ira-rank ang mga naging leading lady niyang sina Maja, Bea Alonzo, Jasmine Curtis at Erich Gonzales base sa kanilang beauty.

Read more...