Mura muling naiyak sa sorpresang handog ng vlogger


MULING nagpaabot ng tulong ang vlogger na si Virgelyn sa dating artista na si Mura.

Matapos mag-viral ang video nito kung saan na-feature si Mura, naging sunud-sunod na ang pagtulong nito sa binata.

Nauna nang magbigay ng P10,000 cash si Virgelyn sa dating artista sa tulong ng mga OFWs.

Ang video na unang ibinahagi ni Virgelyn na nagpakita ng kasalukuyang estado ni Mura ay nag-viral at napanood rin ng mga nakasama nito sa industriya.

Matapos nito, muling dumalaw sina Virgelyn para magbigay ng regalong baka para makadagdag sa bukid ng pamilya ni Mura.

Sa huling video nga na inupload ni Virgelyn, muli niyang dinayo si Mura para kumustahin ito.

Tinanong niya kung sino ang mga artistang tumulong kay Mura matapos itong mag-viral dahil maraming fake news ang kumakalat na artistang tumulong raw pero hindi naman nakarating kay Mura.

Ikinuwento nga ni Mura na dinalaw siya ng kanyang isa pang best friend at dating ka-loveteam na si Mahal.

Bukod pa rito, may mga dumarating ring offer sa binata para magbalik showbiz kapag gumaling na ang kanyang iniinda.

Matapos nito, tinanong ng vlogger si Mura kung kailan ito huling nakahawak ng malaking halagang pera.

Amin naman ng dating aktor, nakahawak siya ng P36,000 matapos ibenta ang baka na iniregalo sa kanya ni Virgielyn. Kapalit nito, bumili siya ng kalabaw na mas makatutulong sa kanya sa bukid.

Wala namang naging problema sa vlogger dahil hindi nito alam na mas makakatulong ang kalabaw kay Mura.

“May surpresa ako sa’yo,” saad ng vlogger.

Laking tuwa naman ni Mura nang abutan siya ng P50,000 ni Virgelyn.

Nagmula raw ito sa kinita niya sa YouTube video ni Mura kung saan marami ang nanood.

Nagsimula naman ang pag-agos ng luha ni Mura nang muli siyang abutan nito ng P50,000.

Nagpasalamat naman si Virgelyn kay Mura dahil nakilala siya at nagkaroon ng mas maraming subscribers.

“Maraming maraming salamat po sa lahat ng tumulong. Dahil po sa inyo, nakahawak ako ng malaking pera. Sana marami pa kayong mapasayang tao, mga nahihirapan sa buhay tulad ko,” umiiyak na pagpapasalamat ni Mura.

Sinisigurado naman ni Mura na gagamitin niya ang pera sa magandang paraan tulad ng pagpapaayos ng kanilang bahay dahil sira-sira na ito.

Ayon naman kay Virgelyn, ito na muna ang huling pagbisita niya kay Mura dahil naging mahigpit na ang mga daanan dahil na rin sa banta ng COVID-19.

Deserve naman ni Mura ang mga blessing na kanyang natatanggap dahil makikita ang patuloy nitong pagpupursige sa buhay at patuloy na pagtulong sa pamilya.

Nawa’y matulungan rin ito sa pag-galing ng kanyang binti at balakang para tuluyan na itong makabalik sa showbiz na siyang malaking tulong sa kanya at sa kanyang pamilya.

Read more...