Bakit ayaw pang magkaroon ng baby nina KZ Tandingan at TJ Monterde?

KZ Tandingan at TJ Monterde

NGAYONG darating na September, one year nang nagsasama bilang married couple sina KZ Tandingan at TJ Monterde.

Kaya naman ang palaging itinatanong sa kanila ng mga kaibigan at supporters ay kung kailan naman nila planong magkaroon ng baby.

Sa nakaraang virtual mediacon para sa bago nilang mga kanta (‘Inday’ ni TJ at ‘Dodong’ ni KZ) ay napag-usapan ang kanilang buhay ngayon bilang mag-asawa. Anu-ano nga ba ang adjustments na ginawa nila after the marriage. 

“Mga minor things lang, like si KZ pala super iyakin sa mga movies. Ha-hahaha! Yung mga ganu’ng mga bagay nadi-discover namin sa isa’t isa. 

“Pero it makes us appreciate each other more yung mga ganu’ng mga simpleng bagay. Si KZ naman ang sarap niya kasama kasi. 

“Akala ko dati kapag ikinasal na kami under one roof na kami, paano kaya itong adjustment namin? Parang ano kayang mangyayari? Isang bahay na kami. 

“Pero na-realize ko ang sarap niya kasama tapos very maintindihin din, very maalaga, at meron akong mga songs na sinusulat ngayon and yung theme niya parang ganu’n.

“Gusto ko man isipin na ang dami ng adjustments kasi newly married kami. Magwa-one year na kami at naging smooth naman ang lahat. It’s not super smooth but it’s not hard to love you. Ang dali mong mahalin,” pahayag ni TJ.

Tungkol naman sa pagkakaroon ng anak, “Ang daming nagtatanong niyan. Kahit sa TikTok araw-araw nakukuha yung question na yan. 

“Sa ngayon wala pa kasi sabi ko nga mag-a-anniversary kami this month pero hindi pa namin totally na-e-experience talaga kasi yung magta-travel na kaming dalawa lang kasi ikinasal kami sa pandemic so sa ngayon yung priority namin kami muna tapos kung maaari makapag-travel muna kami right after pag puwede na,” paliwanag pa ng singer-songwriter.

Sinabi ni TJ na marami rin siyang natututunan sa asawa lalo na pagdating sa music, “Idol ko si KZ as an artist. Before ko pa siya nakilala idol ko na siya so isa yun na madali kasi kasi magaling siyang artist. 

“Pero yung professionalism lumalabas pa rin. So it means minsan merong parang iba yung ideas namin so kailangan namin siya i-fix. 

“Maraming bagay at natutunan ko most specially that my wife is the Asia’s Soul Supreme. Malaking bagay yun sa akin. At saka sobrang dami. 

“I write songs but I really don’t consider myself much of a parang singer talaga yung musicality ko. Sakto lang yung chords ko, yung progressions ko, just enough to write the songs. 

“So pag nagsulat ako, mas lyricist kasi ako. So pagdating sa mga runs, sa mga takbo ng mga notes nung song, malaking tulong ang nabibigay ni KZ sa akin lalo na ngayon na isang bahay na kami so pag meron akong naiisip, marami akong natututunan kay KZ lalo na sa loob ng marriage na ito,” pahayag pa ng mister ni KZ.

Samantala, napakalapit sa puso nina KZ at TJ ang mga kanta nilang “Dodong” at “Inday” na ang lyrics ay nasa salitang Visaya.

“Itong ‘Dodong’ kasi lullaby niya ito sa akin so two years ko na itong pampatulog. Kasi voice note talag ito originally. 

“Para pag hindi ako nakakatulog minsan I play this voice note na very specific kasi sa akin yung lyrics, very specific sa akin yung pagkakakanta niya and written as a lullaby talaga siya tapos Bisaya siya tapos yun pa yung mother tongue namin, yun yung language namin.

“So eto ito yung favorite ko and right now sobrang happy ko na nasa Spotify na yung pinapakinggan ko sa voice note over the past two years,” paliwanag ni TJ.

Read more...