Ayn Bernos
BINUWELTAHAN na ng TikTok star na si Rousanne “Ayn” Bernos ang mga laiterang bashers na nagsasabing wala siyang karapatang maging mapasama sa Top 30 candidates ng Miss Universe Philippines 2021.
Matapang na sinagot ng dalaga ang mga netizens na nangnenega at nanglalait sa kanyang itsura, lalo na ang mga nagkokomento na wala raw siyang chance na manalo sa nasabing national pageant.
Sa kanyang Instagram stories, ipinost ni Ayn ang mga screenshots ng hate comments laban sa kanya at sinabing dahil sa mga ito ay mas lalo pa siyang naging motivated na makuha ang titulo at korona.
“If they’re saying this about me, what other prejudices do they hold? How are they treating people around them? This is why representation matters.
“Clearly, they’re not used to seeing someone like me on stage. Clearly, I now have more reason to be here,” simulang pagtatanggol ng dalaga sa kanyang sarili.
Niresbakan din ni Aym ang nagsabing baka raw maybmental health issue siya kaya ang lakas ng loob niyang mag-join sa Miss Universe Philippines.
“Someone commented that I must have a mental health problem for even thinking I stand a chance against taller, smarter, and more beautiful women.
“I didn’t join Miss Universe Philippines because I believed I was the beauty standard. I joined because I know I’m not, and it’s about time girls like me are allowed to try, too,” pahayag ng TikTok sensation.
Ipinagdiinan din ni Ayn na sana’y magsilbi siyang inspirasyon sa mga kapwa niya babae na natatakot lumaban at manindigan sa mga bagay na kanilang pinaniniwalaan.
“I needed someone like me on stage when I was younger. I did not feel represented. So now that I can do it for the next generation, why wait?
“There are kids out there who see themselves in me. If I tell myself I’m not good enough, then I am telling them they’re not good enough. I refuse to do that. So I represent,” sabi pa ni Ayn.
Ayon pa sa dalaga, sa kabila ng mga hate message na natatanggap niya sa social media, marami pa rin ang sumusuporta at nagmamahal sa kanya.
“I’m going to bed with a light and full heart. I know from the beginning what kind of pushback I would receive from some people.
“But what I didn’t expect was how much love and support I would be getting as well. Thank you to all of you. Fighting!”
Isa naman ang kapwa kandidata niya sa pageant na si Maureen Wroblewitz ang nagpadala sa kanya ng mensahe sa gitna ng pamba-bash sa kanya. Ani Maureen, “You are an inspiration to so many! Don’t listen to those negative people.”
In fairness, kahit na nga ninenega ng mga bashers, laging pasok si Ayn sa Top 5 ng mga online challenges ng Miss Universe PH organizers — mula sa Headshot at Video Introduction Challenge hanggang sa Runway Challenge.