GMA Playlist artists
TODO ang pasasalamat ng mga napiling GMA Artist Center talents para sa bagong sublabel ng GMA Music na GMA Playlist.
Fresh at trendy tunes ang tampok sa GMA Playlist para sa new generation of listeners kaya naman swak na swak dito ang mga pambatong Kapuso artists na sina Mikee Quintos, Arra San Agustin, Anthony Rosaldo, Crystal Paras, Denise Barbacena, Faith Da Silva, Jeniffer Maravilla, Kaloy Tingcungco, Kim de Leon, Lexi Gonzales, Shayne Sava, Mark Herras at Seb Pajarillo.
Sa ginanap na official launch kamakailan, aminado ang lahat na looking forward na silang umpisahan ang kanilang musical journey sa ilalim ng bagong sublabel ng GMA at magkaroon ng opportunity na makipag-collaborate sa mga mahuhusay na OPM artists in the future.
Bukod dito, inihayag din nila kung gaano sila ka-thankful sa GMA sa pagbibigay ng pagkakataon na maipamalas ang kanilang mga talento sa bagong platform na ito.
Sa naganap na virtual mediacon para sa GMA Playlist natanong ang mga Kapuso artists kung anong genre ang nais nilang subukan outside of their comfort zone.
Sagot ng “The Clash” alumnus na si Anthony Rosaldo, gusto niyang i-try ang R&B style, “Hirap ako kumulot (style sa pagkanta). Gusto ko ‘yung ginagawa ng mga soulful singers na parang wala lang sa kanilang kumulot, e. Hindi ko pa kaya ‘yon, it’s out of my league. Siguro one day kaya kong tiyagain, kaya kong aralin ‘yan.”
Sey naman ni Mikee Quintos, “We (GMA Playlist) agree na hindi kami mag-i-stick sa isang genre lang. Gusto naming mag-explore.
“Like in my case, nag-e-explore talaga kami ng iba’t ibang genre kasi ‘yon naman ‘yong buong musical journey, you have to find your identity. But I’m looking forward to exploring other genres,” aniya pa.
Para naman kay Crystal Paras, type niyang subukan ang soul and funk tunes, “I’m so obsessed with Earth, Wind & Fire. But those are the kind of songs that I can’t really sing, for fun lang, jamming.
“I’m used to doing pop and R&B pero music with horns, brass instruments, I want to try that one day,” dagdag pa ni Crystal.
Game namang sumabak si Denise Barbacena sa R&B at reggae for a change, “Ako kasi comfortable ako doing ballad songs. But I want to explore ‘yong mga opposite of that, mga Rihanna, R&B, and reggae, kasi hindi ko masyadong ma-unleash ‘yong ganung side ko. Sana it’s not too late for that.”
Talaga namang kaabang-abang ang GMA Playlist kaya naman huwag palalampasin ang mga ire-release nilang awitin very soon. Tutok lang sa kanilang official YouTube channel at iba pang social media accounts para manatiling updated.