Pia Wurtzbach
TAKOT na takot ang beauty queen-actress na si Pia Wurtzbach nang malamang may isa siyang stalker na palaging nasa bisinidad ng building na kanyang tinitirhan.
Ito rin ang lalaking palaging nagpapadala sa kanya ng mga “weird” e-mail at kung anu-ano raw ang sinasabi sa kanya.
Kuwento ng Pinay Miss Universe, sanay na siyang makatanggap at makabasa ng mga hate messages at iba’t ibang klase ng litrato online pero ibang klase raw ang nga sine-send sa kanya ng nasabing stalker.
Paglalarawan nga niya sa e-mail ng nasabing obsessed fan, “the weirdest email that I ever got.”
“Ang haba niya, ine-explain niya sa akin na, ayun na nga raw, hinihintay daw niya nga ako, gagawin daw niya akong queen of heaven, at magsasama daw kami habang buhay, at kami daw talaga dapat,” pahayag ni Pia sa latest episode ng kanilang “Between Us Queens” podcast.
“So, I sent this to the building because I felt unsafe,” dagdag pa ni Pia.
Kasunod nito, naikuwento sa kanya ng isang babaeng nagtatrabaho sa isang store sa kanilang building na may lalaki ngang laging naroon at walang ginawa kundi manood ng mga video niya. Tumagal din daw ito nang halos dalawang buwan.
Kuwento ni Pia, “Meron daw lalaki doon na, everyday, nandoon from umaga hanggang gabi tapos pinapanood lang niya yung mga videos ko nang paulit-ulit everyday.”
“It was during the pandemic so I wasn’t leaving my unit. I wasn’t going out,” aniya pa.
Na-identify naman daw ng security staff ng building ang lalaking stalker at siniguro sa kanya na gagawa ng hakbang ang management para ma-resolve ang issue.
“They were able to get the ID of the person, so we got the name. Kinakabahan lang ako kasi laging may dalang backpack daw.
“So, you know, my mind is playing tricks on me. I don’t know what’s inside that backpack, and what if matripan ko lang bumaba sa convenience store na mag-isa ako. Parang, anong gagawin niya sa amin?” paliwanag pa ng dalaga.
Nai-report na rin daw niya sa mga pulis ang nangyari at nagsabing agad na aaksyunan ang kanyang reklamo.
Payo naman ng beauty queen sa mga kababaihan na dumaranas din ng mga ganitong uri ng harassment, “So, girls, if you’re listening to this now, this is when you report, when you start feeling unsafe.”