Kasal nina Angel at Neil simple pero rock; tatay ni ‘Darna’ humiling agad ng apo

Angel Locsin at Neil Arce

“IT’S very intimate, it’s very simple, it’s very us, di ba?” Yan ang ginawang paglalarawan ng Kapamilya actress-TV host na si Angel Locsin tungkol sa civil wedding nila ni Neil Arce.

Isang linggo matapos nilang ibandera sa buong universe ang kanilang kasal, naglabas ng vlog ang mag-asawa kung saan ikinuwento nila ang ilang detalye kung paano nila pinlano ang wedding.

Base sa mga ibinahagi nilang detalye, naganap ang intimate civil wedding nina Angel at Neil noong July 26, 2021 sa Taguig City Hall.

“Hindi talaga namin siya naisama sa plano pero dahil ni-request niyo. Gumawa kami ng paraan para ma-share ang civil wedding,” simulang chika ng aktres sa nasabing YouTube vlog.

“Siyempre, hindi naman namin naimbita lahat nu’ng mga tao. Nu’ng time na iyon, bumabagyo pa. Surprisingly, yun lang yung araw na umaraw,” aniya pa.

Sey naman ni Neil, “Tapos nanalo ng gold si Hidilyn (Diaz, sa Tokyo 2020 Olympic Games). Iyon yung topic namin habang kumakain. ‘Uy! Nanalo ng gold si Hidilyn!'”

Patuloy na sabi ni Angel, “Kung anuman yung nangyari sa wedding na ito is may personal touch nain talaga. It’s very intimate, it’s very simple, it’s very us, di ba?”

Naikuwento rin ni Neil ang tungkol sa naging eksena nila ng asawa habang patungo sila sa venue ng kasal, “Siguro perfect description ng pagkasimple ng wedding, kami lang siguro yung bride and groom na pumila sa elevator bago ikasal.

“May pila yung elevator noon, siyempre, apat-apat lang (ang puwede sa loob). Pandemic na iyon. Dala-dala niya yung bouquet niya. Pumipila kami ng elevator hanggang sa turn na namin umakyat,” chika ni Neil.

Hirit naman ni Angel, “Pinaka-perfect sigurong description ng wedding namin is simple pero rock.”

Inalala rin ng bagong kasal ang kanilang engagement noong June, 2019. Ibinahagi ni Neil ang naging usapan nila ng tatay ni Angel na si Angelo Colmenares at kung paano niya hiningi ang blessing nito.

“Actually 2019, a week before Father’s Day, right after ko bilhin yung ring, pumunta agad ako sa daddy niya. Sabi ko, ‘Daddy, magpo-propose ako.’

“Tapos sabi niya, ‘O, ano proposal mo?’ So, akala niya may business proposal ako. ‘Tapos sabi ni Ate Ella, ‘Daddy, magpapakasal na sila.’

“‘Ay, good, good, good.’ Gumanu’n naman, so sobrang nawala yung burden sa shoulders ko. Siyempre, good ang sinasabi ng daddy niya,” chika ni Neil.

Nu’ng panahong yun ay papunta raw si Angel sa Belgium kaya ang plano ni Neil mag-propose pagbalik ng aktres. Ngunit sinabihan siya ng tatay ng aktres na yayain na niya itong magpakasal bago ang flight na sinunod naman ng film producer.

Narito naman ang mensahe ni Angelo Colmenares sa bagong kasal, “To Angel and Neil, congratulations. May you have… I wish you happiness throughout your lives but this could only be achieved if you take good care of each other day by day. And much more if you put Christ in the center of your lives.

“I am now 94 years old and I wish that Neil and Angel will soon give me a grandchild,” hirit pa nito.

Read more...