Ruffa emosyonal dahil sa health status ng amang si Eddie Gutierrez

Tahimik lang ang pamilya Gutierrez sa pinagdaanan ng kanilang Padre de Pamilya na si Eddie Gutierrez na dumaan pala sa operasyon kamakailan.

Wala naman kasing paramdam mula sa mga anak dahil ang huling post ni Raymond ay nu’ng nag-out na siya.

Kung hindi pa pinost ng panganay nilang anak ni Annabelle Rama na si Ruffa Gutierrez ay hindi malalaman ng publiko na may prostate cancer ang aktor.

Ang caption ng aktres, “The weeks leading up to my departure for the U.S. was tough. I experienced a tornado of emotions which I kept exceptionally private.

“This much I can share : Dad had an operation and it was a success. He has been cleared of prostate cancer. Thank you, Lord!

“Our family would like to thank ALL the doctors and nurses who took care of Dad at St. Luke’s Quezon City. Special mention to the BEST urologist and anesthesiologist, Dr. Steve & Joyce Lim. He is on the road to a full recovery thanks to your expertise and pag-aalaga.

“Sa mga nagdasal para kay Dad, maraming salamat. You know who you are.

“Sending LOVE to everyone who’s trying their best to heal from things they don’t discuss. Keep the faith, pray and stay strong.”

Pawang heart at praying emojis naman ang mga mababasang komento mula sa mga kaibigan ng pamilya sa showbiz at netizens.

Kasalukuyang nasa Switzerland si Richard kasama ang mag-iina niya at sinusulit niya pagkatapos ng mahabang isang buwang taping niya ng FPJ’s Ang Probinsyano. Hindi nga lang malinaw kung tapos na lahat ang eksena niya sa aksyon serye.

Read more...