Kisses Delavin payag sa pagsali ng mga transwomen sa Miss Universe?

GAME na game na sinagot ni Kisses Delavin ang mga tanong mula sa pageant experts at mga fans bilang isa sa mga kandidata ng Miss Universe 2021.

Diretsahang sinagot nito ang tanong kung ano ang masasabi niya sa mga transwomen na sumasali sa mga beauty pageants tulad ng Miss Universe na initially ay intended para sa mga naturally-born women.

“A lot of people should hear this,” umpisa niya.

“There are Catholic beliefs and I am from a Catholic family, but also I found that even if you practice religious beliefs, we do not have the right to make other people feel unsafe. So I think for me, trans women should feel safe to join whatever they decide (to join),” sagot ni Kisses.

“If it’s what you want, go for it. Iwagayway mo ‘yung being who you are,” sey nito sa mga transwomen na may balak sumali sa mga beauty pageants.

Hinikayat rin niya ang madlang pipol na mas maging “open” at maging welcoming kahit hindi pare-parehas ang mga pinaniniwalaan sa iba.

Dahil sa sagot nito, napa-second question ang mga hosts sa livestream kung isa nga bang ally ang dalaga ng LGBTQ+ community.

Sumagot naman ito ng oo at siya daw ay kakampi ng lahat ng klase ng tao.

“We need not to single out LGBTQ+, they are still normal people,” saad nito.

“There are so many things other than being LGBTQ+. They are talented and… We need to focus on what they can do instead of just focusing that they are LGBTQ+. Because they are so much more than that for me,” dagdag pa nito.

Isa si Kisses sa mga matutunog na kandidata ngayong Miss Universe Philippines 2021.

Una itong nakilala nang sumali sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” kung saan nanalo siya bilang 2nd Big Placer.

Read more...