SINO ang hindi kikiligin kung may isang taong handa kang gawan ng tula at ipangalandakan ito sa mundo?
Paki-ready ang korona para sa nag-iisang babaeng pinagpala sa lahat, walang iba kundi si Marian Rivera.
Sa kaniyang 37th birthday noong August 12, isang maikli ngunit punung-puno ng pagmamahal na tula ang handog ng asawa niyang si Dingdong Dantes.
“‘Marimar’ ang programa kung saan una ko siyang nakilala
at ang tawag ko noon sa kaniya’y suplada
pero ngayon, katorseng taon na ang nakalipas
mahal na ang tawag ko sa kaniya
“Maligayang kaarawan sa mestizang Caviteña
Salamat sa Kanya at may isang Marian Rivera
Oops, Misis Dantes na pala,” saad ni Dingdong sa kanyang Instagram post ng larawan nila ni Marian.
Reply naman ni Marian, “Love you (red heart emoji)”
Marami ang tunay na kinilig at bumati ng maligayang kaarawan sa aktres.
“Happy birthday yan (red hear emoji),” comment ni Angelica Panganiban.
“Awwwwwwww happy bday,” bati naman ni Melai Cantiveros.
Matatandaan na sa Filipino adaptation na “Marimar” noong 2007 unang nagkakilala at nagkatrabaho ang dalawa.
Taong 2009 nang mapabalita na “exclusively dating” na ang dalawa.
Taong 2014 nang magdesisyon ang dalawa na magpakasal. Ngayon ay may dalawang anak na sila na sina Zia at Sixto.