HINDI na bago sa Kapuso actress na si Kris Bernal ang mga patutsada ng mga bashers at body shamers sa kanya.
Ngunit para sa aktres, wala siyang pakialam sa mga ito.
Ibinahagi ng aktres noong Miyerkules, Agosto 11, sa kanyang Instagram account ang litrato niya kung saan masayang nakangiti ang dalaga na nakasuot ng crop top tube at long black skirt.
“Yeah, right, whatever,” umpisa nito sa caption.
“My purpose is way bigger than anyone’s opinion of me. I will never sacrifice who I am because someone else has a problem with it,” pagpapatuloy nito.
Madalas kasing tampulan ng tukso ang aktres dahil sa kanyang katawan. Marami ang nagsasabi na hindi appropriate ang katawan ng dalaga at masyado itong payat.
Nakatanggap rin ito ng komento noon na nagtatanong kung kumakain pa raw ba ito dahil sa kapayatan ng katawan ng dalaga.
Dagdag pa nito, ngayong panahon kung kailan lubos na apektado emotional at mental well-being ng mga tao, sana raw ay maintindihan ng madlang pipol na bawat tao ay kakaiba.
“I hope more will normalize our bodies for keeping us alive, no matter what shape it’s in. Normalize shunning ‘beauty standards’ because there’s none. We are all strong and beautiful just as we are,” saad nito.
Dagdag pa nito, “I work hard. I’m responsible. I dress well to feel better. I put myself together every morning. I manage my money. I pay my bills. I run my businesses finding out my greater purpose of providing jobs.
“I am educated and respectful. I have visions and plans for the future. Who doesn’t value those, doesn’t deserve me.
“Love and light! Find your inner peace!”
Sa isa pang post nito ngayong Agosto 13, proud siya sa kanyang sarili kung paano niya naha-handle ang sitwasyon.
Aminado siya na may mga pagkakataon na kinukumpara niya ang sarili ngunit agad rin naaalala kung ano ang main purpose niya at kung gaano na kalayo ang narating nito sa goal upang palakasin ang katawan.
“Everyone has insecurities, and in a world of comparison, photoshop, and societal “standards”, let’s try to shift our minds that every female body is a hero deserves to be uplifted and celebrated.
“Thank you everyone for all the love,” saad ng dalaga.