Louise Mabulo lumapit sa CHR; nais ideklarang ‘persona non grata’ si Nas Daily

Photo from Louise Mabulo’s Facebook account

HINDI na matapos ang iringin ng social entrepreneur na si Louise Mabulo at Palestinian-Israeli vlogger na si Nuseir Yassin o mas kilala bilang Nas Daily.

Nagsimula ang kanilang palitan ng matitinding akusasyon matapos i-call out ni Gracia Palicas, apo ni Whang-Od, na “scam” ang Whang-Od Academy. Ito ay isang online couse na ino-offer sa Nas Academy.

At para ipakita ang suporta, nag-post ang social entrepreneur na si Louise ukol sa naging experience nito nang dalawin siya ni Nas para i-feature ang kanyang “Cacao Project”, hindi na natigil ang iringan ng dalawa.

Sa huling video na inupload ni Nas, inakusahan naman nito si Louise na “peke” diumano ang kanyang Cacao Project na umani ng awards worldwide. Ayon pa sa vlogger, sa papel lang raw at walang actual story sa kanyang farm.

Hirit pa nito, hindi raw totoo na non-profit ang proyekto at ine-exploit daw ng pamilya nila Louise ang kanilang magsasaka.

Dahil nga rito, nakipag-meeting si Louise sa Commission on Human Rights (CHR) para ipahayag ang bersyon niya ng tunay na istorya.

Nag-post ang dalaga sa kanyang facebook account kung saan kasama niya ang mga representatives ng CHR-Bicol.

“Today’s meeting with the Commission on Human Rights Region V— their official investigation on the recent issues surrounding the exploitation against me and the farmers here perpetuated by some vlogger.

“The attacks against me are on social media, but my platform is real life— undeniable. Rest assured that actions are being taken to safeguard our people, and prevent further incidents like this.

Sa Manlulupig di ka pasisiil (Philippine flag) God bless you all,” saad nito sa post noong August 10.

Ang naging meeting ay patungkol sa paghingi ng tulong ni Louise sa CHR-Bicol na makarating sa national government at Department of Foreign Affairs (DFA) para sa panawagan nitong ideklara bilang persona non grata ang Palestinian-Israeli vlogger.

Kapag ang isang tao ay napatawan ng pagiging persona non grata, ito ay nawawalan ng karapatan o nagiging banned sa pagpasok sa bansang nag-issue nito sa kanya.

Read more...