Isko sa mga lumang hubad na litrato: Makikita n'yo buong katawan ko except yung harapan ko! Bandera

Isko sa mga lumang hubad na litrato: Makikita n’yo buong katawan ko except yung harapan ko!

Ervin Santiago |August 11,2021
share this

Isko sa mga lumang hubad na litrato: Makikita n’yo buong katawan ko except yung harapan ko!

Ervin Santiago - August 11, 2021 - 05:31 PM

Isko Moreno

“BULATLAT na ang buhay ko. Open book naman yan!” 

Iyan ang ipinagdiinan ni Manila Mayor Isko Moreno sa gitna ng pinag-uusapang sexy photos niya na muling kumalat sa social media.

Naglabasan muli ang mga litrato ng alkalde (kung saan ilan nga rito ay naka-underwear lamang siya) matapos mabalita ang plano niyang pagtakbo bilang pangulo sa darating na 2022 elections.

Pero para kay Yorme, walang masama at hindi kasalanan ang ginawa niyang pictorial noon dahil parte lamang ito ng trabaho niya bilang artista.

“Wala na namang maitatago pa sa akin. Bulatlat na ang buhay ko. Open book naman yan!” ang pahayag ni Isko sa chikahan nila ng colleague at kaibigan nating si Leo Bukas.

Bago sumabak sa mundo ng politika, namayagpag din sa mundo ng showbiz si Yorme at bukod nga sa pagiging member noon ng youth-oriented show ng GMA 7 na “That’s Entertainment” ay nakagawa rin siya ng mga TV drama at pelikula.

“Meron akong ups and downs, mga challenges. It was made public. It’s an open book. I’m not ashamed of that,” sey pa ng alkalde.

Aniya pa, “Makikita ninyo yung buong katawan ko except yung harapan ko. Eh, ano naman ngayon? Artista ako, eh, at wala akong nakikitang masama sa ginawa ko.

“Anything na ginawa ko sa showbiz, I’m happy I survived. Pinagdaanan ko yon at marami akong natutunan doon,” diin pang pahayag ng actor-turned-politician.

Mainit na issue ngayon ang “blind item” ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isang mayor na meron daw mga kumakalat na bikini photos at tinawag pa niyang mukhang call boy.

“Kayong mga Pilipino, huwag kayong magpaloko diyan sa mga—mga padrama magsalita pati kung…

“Nakita ko nga sa Facebook kanina, lahat nang naka-bikini ang gago, tapos may isang picture pa doon na sinisilip niya yung ari niya. Iyan ang gusto ninyo? Ang training—ang training parang…para lang, parang call boy.

“Naghuhubad, nagpi-picture, naka-bikini tapos yung garter tinatanggal niya, hinila niya tiningnan niya yung… Dapat magsali… magsama sila ni ano ni Paredes,” ani Duterte na ang tinutukoy ay ang veteran singer na si Jim Paredes na nasangkot sa isang video scandal noong April, 2019.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending