Sharon sa mga pasabog na eksena nila ni Marco sa Revirginized: Iyon ang pinakabastos na kaya ko!

Shron Cuneta at Marco Gumabao

“DYUSKO Direk! Talaga bang gagawin ko ‘to?! Talaga bang sasabihin ko ‘to?!” Yan ang unang reaksyon ni Megastar Sharon Cuneta nang mabasa ang script ng pelikulang “Revirginized.”

Kaya naman hindi na siya na-shock na iba-iba ang naging reaksyon ng kanyang mga Sharonians nang ilabas na ang trailer ng bago niyang pelikula under Viva Films sa direksyon ni Darryl Yap.

Ani Mega, nasanay daw kasi ang mga tao sa mga sa usual roles na ginagampanan niya sa mga pelikula kaya nang makita nila ang trailer ng “Revirginized” ay naiskandalo at nabigla ang mga ito. 

“From Dear Heart, always the simple, the true, the good, the beautiful, the wholesome, the sweet, the matino, the disente, you know,” chika ni Sharon sa ginanap na virtual mediacon kamakailan.

“But I said, after more than 60 movies actually, medyo I think I have already earned the right to play around and experiment with other roles.

“And, you know, at my age especially, a role like this comes along, written by the genius Direk Darryl Yap.

“Alam n’yo, ang mali lang sa mga tao, ang napapansin lang nila lagi, yung controversial na mga eksenang lumalabas sa trailers ng movies ni Direk Darryl.

“Pero if you watch his movie, mano-notice niyo po, sa umpisa puro kalokohan ‘yan, puro ganyan. Pero in the end, laging merong tusok sa puso.

“Nu’ng ikinuwento niya sa akin ito actually, nung pinitch niya sa amin… napaluha ako, e. So, hindi ko mahindian. And I said, ‘Tapangan ko nga yung sarili ko,’ sabihin ko, and in my own way, but I’ll try to… do it in my own way.

“Iyon ang pinakabastos na kaya ko! Pero, I think once in a while, when an actor does a movie that is outside of his or her usual genre, na inaabangan ng audience niya at kinasanayan.

“Then that makes the audience appreciate the other skills of the actor. And then makes the audience miss the usual kind of movies na ginagawa ng artistang yun,” dire-diretsong chika ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan na 100% ang pagsuporta sa nasabing pelikula. 

Pagpapatuloy pa niya, “So I look forward to doing the usual, let’s just call it the usual Sharon movie, na mas medyo deeper na ngayon. Mas mature na, because so am I.

Lahad pa ng leading lady ni Marco Gumabao sa movie, “But this movie is truly special to me because the role gave me the freedom to become a totally different person.

“Totally, medyo halos opposite ng character ko, except for the strength, sa inner strength.

“So, I’m very excited actually over Revirginized. When we were shooting it, alam ni Direk, minsan may mga eksenang…’Dyusko, Direk! Talaga bang gagawin ko ‘to?! Talaga bang sasabihin ko ‘to?! Pero hindi… artista ako. Susundin kita!’

“I trust fully, totally in my director, in the story. Tinanggap ko dahil gusto kong gawin, hindi dahil sa kailangan kong gawin. I wanted a challenge, and so I got it. And I think that… I hope I did justice to the role.

“And I hope my Sharonians will… ahhm, give it a chance, and try to see beyond just the mga pagmumura, at iyong mga salitang hindi ko usually sinasabi kahit sa tunay na buhay! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Iyong mga body parts. Iyong usual na mga salitang hindi ko kinasanayan, I hope na malagpasan nila ‘yon sa panonood nila ng pelikula.

“At makita nila yung core at yung puso ng movie. Iyon ang hope ko dahil talagang… it’s special to me,” sey ni Sharon.

Read more...