Sikreto ni Gabby ibinuking ng mga anak; inaming kumakain ng frozen burrito


NAGKULITAN ang magkakapatid na sina KC Concepcion, Savannah, at Samantha kasama ang kanilang ama na si Gabby Concepcion.

Natatawa naman ang magkakapatid dahil sa tanong ni Savannah sa kanilang ama na patungkol sa pagkain nito ng malalamig na pagkain.

Tila kasi in-expose ni Savannah ang pinakatatagong sikreto ng ama.

“There’s nothing wrong with eating cold food straight from refrigerator. I’m not choosy so when I’m hungry, I’ll just eat,” depensa naman ni Gabby.

Mas lalo pa ngang natawa ang magkapatid na KC at Samantha nang muling humirit si Savannah na frozen burrito ang kinain ng ama.

Kinumpirma naman ito ni Gabby dahil nakita raw siya ng anak nang minsan itong kumain ng frozen burrito dahil gutom na ang aktor.

Si Samantha naman ang sumunod na nagtanong. Tinanong nito na kung gagawing pelikula ang kanilang buhay, sino ang gusto ni KC at Gabby na gumanap bilang sila.

Agad namang sumagot si Gabby na siya mismo ang gaganap sa sarili niyang buhay. Inulit naman ni KC ang tanong at sumagot ang ama ng “Tom, maybe Tom.”

“Tom? Tom Cruise?” tanong ni KC

Nawindang naman ang magkapatid nang sabihin na si ‘Tom dela Cruz’ daw ang gusto ng ama dahil parang wala namang artista na may pangalang ganoon.

Para naman kay KC, gusto niya ay ang younger version ni Drew Barrymore.

“I can’t make that happen. You can’t roll back time,” giit naman ni Gabby.

Sey naman ni KC, as if makukuha ng aktor si Tom Cruise para gumanap bilang siya.

“I said Tom dela Cruz,” sagot naman ni Gabby.

Nagtataka naman ang dalaga kung sino ang tinutukoy ng ama. Ang sagot lang ni Gabby ay hahanapin pa raw niya. Mukhang may balak pang magpa-audition kung sakaling matuloy na maging pelikula ang buhay niya.

Si KC naman ang nagbigay ng huling tanong sa ama. Lahat daw ng klase ng sasakyan ay meron na ang ama at kung ano ang paborito nito sa mga iyon, ano raw ang pipiliin niya.

Sagot ni Gabby ay bangka raw o kayak dahil low maintenance daw ang mga ito. Bukod pa rito, kaya raw siyang dalhin nito sa lugar na gusto ng kanyang isipan.

Sa huli ay kitang-kita kung gaano ka-close ang mag-aama dahil sa kakulitan ng mga ito.

Hinikayat pa ni Gabby na sumama raw siya sa vlog para suportahan ang mga anak at kung may gusto man raw ang netizens na gawin nilang magkakasama ay mag-comment lang ito at susubukan nila itong gawin sa next vlog.

Read more...