Actress-vlogger Nicole Andersson tinamaan pa rin ng COVID-19 kahit bakunado na

Nicole Andersson

SA kabila ng pagiging fully-vaccinated, tinamaan pa rin ng nakamamatay na COVID-19 ang actress-vlogger na si Nicole Andersson.

Ibinahagi ng dalaga ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog kung saan inamin niya na nagpositibo nga siya sa killer virus matapos magpa-swab test.

Ayon kay Nicole nagdesisyon siyang ipaalam sa madlang pipol ang nangyari sa kanya para patunayan na hindi pa rin pasaporte o garantiya na hindi ka na mahahawa ng COVID-19 kahit kumpleto ka na ng bakuna.

Kagagaling lang ng vlogger mula sa ilang araw na pagbabakasyon sa Boracay nang mahawa siya ng virus. Ito’y sa kabila ng pagsunod sa lahat ng safety protocols na ipinatutupad ng gobyerno.

“I figured I would share this experience with you guys as well. I don’t know if I’m going to have the energy to really vlog everything, but I thought about it and the moment I got my positive result or it said that I have COVID, I realized ‘okay, now what?’

“Like I don’t know what to do? I haven’t really seen a lot of people share like how they got over it. 

“So, I’m hoping: one, I will get better and two that maybe in doing this, you know knock on wood if someone else out there gets it, then maybe they can see that if I do one or two things right and hopefully it can help someone out there,” ang pahayag ng dating aktres sa kanyang vlog.

Aniya, ilang araw makalipas ang bakasyon niya sa Bora ay nagkalagnat siya hanggang sa magpa-test na nga siya. Buti na lang daw lahat ng nagkaroon ng close contact sa kanya ay negative sa COVID-19.

“So far, thank goodness, everyone whom I came in contact with in the past week, lahat sila negative.

“We all knew that it was a fact that it could happen, even if I’m fully vaccinated, which I am, I still got it.

“So, don’t just assume that just because you guys are fully vaccinated that you guys will be invincible,” paalala pa ni Nicole na anak ng veteran actress na si Jean Saburit.

Maayos na ang kalagayan ngayon ni Nicole makalipas ang ilang araw na home quarantine at ipinagdarasal din niya ang paggaling ng lahat ng mga COVID-19 patients sa buong mundo.

Read more...